Usaping pag-aasawa sa Tribu ng Pala’wan


Sa usaping ito, ang pag-aasawa ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng pagkakasundo ng dalawang magulang ng mga bata upang ipag-isang dibdib ang kanilang mga anak. Subalit sa pagbabago ng kapanahonan ay unti-unti na ring nababago kung saan karamihan ay nasusunod na rin ang napupusoan ng mga bata. Sa pagkakasundo ng mga magulang, ang magulang ng isang binata ay mamamasyal sa tahanan ng gusting maging manugang nito upang makipagkwento-kwentohan or maaaring sasabihin agad ang pinakapakay na kung kaya’t sila’y naparoon dahil ay nais nilang paaabotan na ang dalaga para sa kanilang anak.

Ang mga magulang ay mag-uusap kung tatatnggapin ang kanilang pakay o panliligaw. Maaaring tatanongin pa ang babae para sa kanyang pagpayag kung siya ba ay handa ng magkaroon ng pamilya at maaaring hindi na tatanongin ang babae lalo na’t kung gusting-gusto rin ng mga magulang ng mga babae ang binata at ang pamilya nito.

Kung ang pakay ng namasyal ay maluwag na tinanggap ng pamilya, ang dalawang pamilya ay mag-uusap tungkol sa tunang (engagement) ng kanilang anak. Kung ang namasyal ay bigo sa kanilang minimithi, ang pamilya ng lalaki depende sa kanilang pagpapakitang pagagnanais tulad ng pagpapaigting ng samahan upang mapakuha lamang loob ng babae o ng pamilya nito.

Ang tunang ay kinakailangang saksihan ng mga ialng matatanda upang maging testigo (witness) na kung saan ang binata at ang babae ay opisyal ng mgakatipan at hindi na maaaring ligawan pa ng iba ang babae at lalaki naman ay hindi na rin maaaring manligaw pa sa ibang babae. Ang sino man sa kanila ang magtataksil o hindi susunod sa taradisyong ito ay magkakaroon ng usapin sa hukoman ng mga katutubo o magbibigay ng kaukulang multa para sa naluko.

Sa pagtutunang, ang lalaki o ang magulang nito ay magbibigay ng (“katunangan”) isang bagay tulad ng pulbo, pabango at iba pa na simbolo ng pagtitipan kanilang mga anak. Sa gawaing ito, dito rin pag-uusapan-usapan ang mga kinakailangang ibigay ng lalaki sa babae tulad ng beryan, katindalan, kasulagan, at sekat upang maging ganap na mag-asawa ang dalawa. Ito ay maaaring ibibigay nalang sa araw ng kanilang bulon (kasal).

Ang magtunang (magkasintahan) ay pinapayohan na sila ay opisyal ng magakatipan at hindi na maaaring manligaw pa ang lalaki at hindi na rin tatanggap pa ang manliligaw ang babae. Ang sinumang makakalabag sa tuntuning iyon ay maaaring magbibigay ng kaukulang multa o kabayaran sa panloloko ng kabilang panig.

Baryan – ang ibg sabihin nito ay ang isang halaga ng salapi na ibibigay sa pamilya ng babae o kilala sa tawag sa dowry. Ang dowry na ibibigay ang depende sa hinihiling ng pamilya ng babae at sa ngayon ang ibang pamilya ng Tribung Pala’wan ay umaabot na sa halagang dalawangpong libong piso. Ngunit ang pamilya naman ay hindi gaanong pinapahalagahan ang ganitong kalaki ng baryan at amahalaga ay mayrrong maibibigay lang ang pamilya ng lalaki.

Katindalan – ang ibig sabihin nito ay isang pagbibigay ng isang bagay tulad ng patadyong upang maging simbolo na ang ang lalaki o binata ay pwede ng umakyat sa tahanan ng babae. Kasulagan – ibig sabihin nito ay pagbibigay ng isang lata o gallon na gas (fuel) na simbolo ng pampalit sa pinapailaw ng ina ng babae noong siya ay sanggol pa.

Sekat – ang ibig sabihin nito ay isang kahilingan ng mga magulang ng mga babae (depende sa pamilya kung hihiling pa liban sa mga nabanggit sa itaas) tulad ng pagbibigay ng isang baka o isang sakong malagkit o anumang bagay na hihilingin ng pamilya.

Ang kasalan ay may kanya-kanya na ring nasusunod lalo na kung ang pamilya ay pumasok na sa mga sekta. May mga tribu pa rin patuloy na hindi pa rin pumapasok sa religion na kung saan ang tardiyong pagkakasal pa rin ang ginaganap. Ang pagkakasal ay sinasaksihan ng mga matatanda o tinatawag nilang Panglima (Tribal Chieftain) upang sila ay magsilbing saksi o testigo na – ang mag-asawa ay ganap na magkaisang dibdib. Dito pinapaliwanag sa mga bata ang tungkulin ng isang may pamilya kung ano ang pagkakaiba ng may asawa na at wala pa.

May iba’t-ibang klase ng kasalan sa tribu, minsan ang kinakasal ay tinutogtogan pa ng basal o tinatawag na tarek upang maging masaya ang manonod. Subalit sa modernong kamundohan na ang umiiral, sa ngayon ay sayawan na rin ang ginaganap ng ibang kinakasal at may mga handaan.
Usaping pag-aasawa sa Tribu ng Pala’wan Usaping pag-aasawa sa Tribu ng Pala’wan Reviewed by Keyzone on 8:43 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.