Results for Herbal Medicine

Halamang Gamot - Santan

7:53 PM


Isang karaniwang halaman sa Pilipinas ang SANTAN. Ito ay madalas na nakikitang pananim sa mga gilid ng daanan at mga parke bilang halamang ornamental. Maliit lamang ang halamang ito, at may mala-kahoy na mga sanga. Ang mga bulaklak na ay tumutubo nang kumpol-kumpol at maaring kulay dilaw, pula, at puti. Orihinal na nagmula ang halaman sa bansang India, ngunit ngayon ay nakakalat na sa buong mundo.
Halamang Gamot - Santan Halamang Gamot - Santan Reviewed by Keyzone on 7:53 PM Rating: 5

Halamang Gamot - Bignay

12:00 AM


Ang bignay ay isang maliit na puno na na kilala dahil sa maliliit nitong bunga na maaaring kanin o ipang-sahog sa ilang mga lutuin. Ang dahon nito’y malapad, makinis, at pahabang bilog. Ang mapulang bunga ay tumutubo ng kumpol-kumpol na parang ubas. Karaniwang makikita sa mabababang lugar sa hilagang Luzon at sa isla ng Mindanao.
Halamang Gamot - Bignay Halamang Gamot - Bignay Reviewed by Keyzone on 12:00 AM Rating: 5

Halamang Gamot - Asitaba

6:24 PM


Ang ASITABA ay isang maliit lamang na halaman na orihinal sa mga isla ng Japan. Kilala rin sa Pilipinas dahil sa mga benepisyong hatid nito sa kalusugan. Sa bansang Japan, ang mga dahon at ugat ay maaaring kainin bilang gulay o ginagawang sangkap sa ilang mga putahe.
Halamang Gamot - Asitaba Halamang Gamot - Asitaba Reviewed by Keyzone on 6:24 PM Rating: 5

Halamang Gamot - Anonas

6:20 PM


Ang ANONAS ay isang mataas na puno na kilalang tumutubo sa maraming lugar sa buong kapuluan ng Pilipinas. Ang mga bulaklak at bunga ay kahalintulad din ng atis, ngunit wala ang bukol-bukol na balat sa bunga. Ito rin ay may maputing laman, makatas, at matamis na lasa.
Halamang Gamot - Anonas Halamang Gamot - Anonas Reviewed by Keyzone on 6:20 PM Rating: 5

Halamang Gamot - Alagaw

6:08 PM


Ang ALAGAW ay isang kilalang halaman na karaniwang tumutubo sa mga isla ng Pilipinas at sa mga karatig bansa nito. Ang dahon nito na malapad ay kilalang ginugulay at ginagawang salad sa maraming mga lugar. Mayroon din itong mga bulaklak na kumpolkumpol sa isang sanga. Ang bunga naman ay maliliit na bilog na tila mga paminta na kulay lila o itim.
Halamang Gamot - Alagaw Halamang Gamot - Alagaw Reviewed by Keyzone on 6:08 PM Rating: 5

Halamang Gamot - Siling Labuyo

5:47 PM
Ang siling labuyo ay karaniwang halaman na makikita sa maraming lugar sa Pilipinas. Ito ay maliit lamang na halaman na bahagyang mala-kahoy ang katawan at sanga. Ang dahon ay maliit lamang, bilugan sa ibaba na patalim sa dulo. Ang bunga naman ay pahaba at patulis na may mapulang kulay kung hinog. Karaniwang sangkap sa maraming lutuing Pilipino dahil sa taglay nitong anghang.
Halamang Gamot - Siling Labuyo Halamang Gamot - Siling Labuyo Reviewed by Keyzone on 5:47 PM Rating: 5

Halamang Gamot - Alugbati

5:32 PM


Ang ALUGBATI ay isang halamang gumagapang na kalimitang nakikitang tumutubo sa kahit saan. Ito ay may mapupulang baging o sanga at hugis puso na dahon. Ang bunga ay maliliit na bilog na parang paminta na kulay lila. Nagkukulay ang bunga nito na mapula o kulay lila kung kaya’t madalas itong ginagamit bilang kolorete sa mukha.
Halamang Gamot - Alugbati Halamang Gamot - Alugbati Reviewed by Keyzone on 5:32 PM Rating: 5

Halamang Gamot - Bawang

11:00 PM


Medical uses ng bawang bilang herbal medicine

Bawang - Antiinfectious: Antibacterial, antifungal, antiparasitic. Ang bawang juice ay inilalagay sa bahagi ng katawang affected. Scientifically ang 0.4% ajoenecream, (ajoene ay isang chemical compound mula sa bawang) kapag ipinahid ay napag-alamang epektibo ng 70% sa Dermatologic fungal infection. Ang0.6% gel naman nito ay epektibo sa mga tinea corporis at tinea cruris.
Halamang Gamot - Bawang Halamang Gamot - Bawang Reviewed by Keyzone on 11:00 PM Rating: 5

Halamang Gamot - Akapulko

10:52 PM


Ito ay isang palumpong (shrub), nagsasanga at tumataas ng 3 m o higit pa. Ang dahon ay ‘pinnate’ at 60 cm ang haba. Ang ‘leaflets’ ay 16-28, bilugang pahaba, 5-15 cm ang haba at may maikling tulis sa dulo. Ang kumpol ng bulaklak ay may habang 50 cm. Ang bulaklak ay dilaw, 4 cm ang diametro at nasa puno ng mga parang dahong 2.5-3 cm ang haba. Ang bunga ay tuwid, matingkad na kayumanggi o itim kung hinog at 15 x 15 cm ang lapad. Ang mga bunga ay may pakpak sa dalawang tabi at nagtataglay ng 50-60 buto.
Halamang Gamot - Akapulko Halamang Gamot - Akapulko Reviewed by Keyzone on 10:52 PM Rating: 5

Halamang Gamot - Niyog-Niyogan

10:48 PM


Ang Niyog-Niyogan ay isang gumagapang na halaman na nagkakaroon ng matitigas at kahoy na mga sanga. Kilala ito bilang halamang ornamental dahil sa bulaklak nito na may matingkad na kulay at mabangong halimuyak. Tinawag na niyog-niyogan sapagkat ang lasa nito ay kahalintulad mismo ng niyog. Ang halaman ay karaniwang tumutubo sa mabababang lugar at sa loob ng mga kagubatan sa mga bansang nasa rehiyong tropiko kabilang na ang Pilipinas.
Halamang Gamot - Niyog-Niyogan Halamang Gamot -  Niyog-Niyogan Reviewed by Keyzone on 10:48 PM Rating: 5

Halamang Gamot - Tsaang Gubat

10:39 PM


Ang TSAANG GUBAT ay isang maliit na halaman na may matigas na mga sanga at mga dahon na naka-kumpol kung tumubo. May bunga na maliliit at hugis bilog at kulay pula kung hinog. Karaniwang tumutubo sa mga lugar sa hilagang Luzon, partikular sa mga isla ng Batanes. Ang mga dahon nito ay karaniwang ginagawang inuming tsaa.

Halamang Gamot - Tsaang Gubat Halamang Gamot - Tsaang Gubat Reviewed by Keyzone on 10:39 PM Rating: 5

Halamang Gamot - Yerba Buena

8:17 PM


Ang Yerba Buena o mint ay kilalang halaman na may malamig na lasa at mabangong amoy. Ang halaman ay maliit lamang, may dahon na mabibilog, at bulaklak na kulay lila. Orihinal na nagmula sa Europa ngunit karaniwan na ring pananim sa maraming lugar sa Pilipinas. Mas madali itong tumubo sa matataas na lugar sa bansa tulad ng Baguio at Benguet.
Halamang Gamot - Yerba Buena Halamang Gamot - Yerba Buena Reviewed by Keyzone on 8:17 PM Rating: 5

Halamang Gamot - Gumamela

8:01 PM


Ang halaman ng gumamela ay karaniwang nakikita sa maraming lugar sa Pilipinas. Killa ang bulaklak nito na may matingkad na kulay. Maaari itong tumubo kahit saang lugar at tinatanim din bilang halamang ornamental. Ang dahon ay paboritong laruin ng mga bata at ginagamit pa sa paggawa ng bula.
Halamang Gamot - Gumamela Halamang Gamot - Gumamela Reviewed by Keyzone on 8:01 PM Rating: 5

Halamang Gamot - Banaba

7:52 PM


Ang BANABA ay isang namumulaklak na puno na kilala sa maraming lugar sa Pilipinas. Ang bulaklak ay kulay lila at bumubuka nang malapad. Ito ay may bunga na mala mala-ubas ngunit kulay tsokolate. Karaniwan itong tumutubo sa isla ng Luzon, pati na sa Mindanao at Palawan. Dahil nga sa kakayanan nitong makagamot ng ilang mga karamdaman, kalimitan ding mabibili ang banaba na nakahanda bilang inuming tsaa at tableta.
Halamang Gamot - Banaba Halamang Gamot - Banaba Reviewed by Keyzone on 7:52 PM Rating: 5

Halamang Gamot - Oregano

7:48 PM


Ang Oregano (Coleus aromaticus) ay isang halamang gamot na marami at malambot ang mga sanga; mabango at matapang at amoy. Ang mga dahon nito’y nasa 2-3 pulgada ang haba, at maypagkahugis-puso at itsura.
Halamang Gamot - Oregano Halamang Gamot - Oregano Reviewed by Keyzone on 7:48 PM Rating: 5

Halamang Gamot - Sabila

6:16 PM


Sabila (Aloe Vera) gamut sa mga paso (burns) na gaya ng tilamsik ng mantika; ginagamit bilang pampalago ng buhok, pampakinis ng kutis, gamot sa sugat.
Halamang Gamot - Sabila Halamang Gamot - Sabila Reviewed by Keyzone on 6:16 PM Rating: 5

Halamang Gamot - Ampalaya

6:05 PM


Ang Ampalaya (Bitter Melon o Bitter Gourd) na may scientipikong pangalan na Momordica charantia ay isa sa 10 halamang gamot na kinikilala ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH – Department of Health) ng Pilipinas, mayaman sa bitamina A, B at C, folic acid, calcium, phosphorous at iron. Katulad ng iminumungkahi ng pangalan sa English ito ay may mapait na lasa dahil sa taglay nitong Momordica.
Halamang Gamot - Ampalaya Halamang Gamot - Ampalaya Reviewed by Keyzone on 6:05 PM Rating: 5

Halamang Gamot - Lagundi

5:56 PM


Ang lagundi (Shrub or five-leaved chaste tree) na may sayantipikong pangalan na Vitex Negundo ay isa sa 10 halamang gamot na kinikilala ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH – Department of Health) ng Pilipinas, ayon sa pag-aaral at pananaliksik ang Lagundi ay nagtataglay ng chrysoplenol D, na nagpapaalwan ng kalamnan at may katangian ng anti-hitamine.
Halamang Gamot - Lagundi Halamang Gamot - Lagundi Reviewed by Keyzone on 5:56 PM Rating: 5

Halamang Gamot - Sambong

2:00 AM


Sambong (Blumea camphor, Ngai camphor sa English, Alibum, Alimon, Ayoban, Bukodkud, Dalapot, Gabuen, Gintin-gintin, Kambibon, Lalakdan san Visayas and Sob-sob, Subusub, Subsob sa Ilocos.) may sayantipikong pangalan na Blumea balsamifera isa sa 10 halamang gamot na kinikilala ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH – Department of Health) ng Pilipinas.

Halamang Gamot - Sambong Halamang Gamot -  Sambong Reviewed by Keyzone on 2:00 AM Rating: 5

Halamang Gamot - Bayabas

1:50 AM


Ang bayabas ay isang maliit na puno na namumunga. Ang dahon at bunga nito ay kilala sa at ginagamit na gamot sa Pilipinas, at ito ay kinikilala ng Philippine Department of Health dahil sa mabisang kakayahan nito.
Halamang Gamot - Bayabas Halamang Gamot - Bayabas Reviewed by Keyzone on 1:50 AM Rating: 5
Powered by Blogger.