Bataraza Hymn



Sa dakong timog, lalawigan ng Palawan

May lupang hinirang sakdal dangal

Sa kagubatan maging sa karagatan

Na hindi nasira ng kaunlaran


Gintong palay sa patag ng kabukiran

Sa sikat ng araw ay kumikinang

Talong Kapangyan, tubig parang Kristal

Mailap na hayop, ibon sa parang



Bataraza, oh Bayan kong sinta

Bayang sadyang pinagpala

Kayamanang taglay, likas na sagana

Dakila ka, Bataraza



Minang Nickel na yaman ng kabudukan

Biyayang ibinigay ng Maykapal

Islang Pirata, Ursulang makasaysayan

Pugad ng ibon sa karagatan



Putting buhangin, ang tawag ay Tinangisan

Gangub Cave mahiwagang pagmasdan

Pagoda Cliff, abot hanggang kalangitan

Kagandahang taglay ng bayan kong hirang



Sama-sama sa kaunlaran

Kapit-bisig, halina’t sabay-sabay

Sipag at tiyaga ang kailangan 
Sama-sama tayong lahat sa tagumpay
Bataraza Hymn Bataraza Hymn Reviewed by Keyzone on 11:22 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.