Naghahanap po ba kayo ng mga larawan ng mga anyong tubig tulad ng Golpo ng Lingayen, Golpo ng Moro, Ilog ng Cagayan, Ilog Rio Grande de Mindanao, Look ng Maynila (Manila Bay), o mga waterfalls o Talon sa Lanao del Norte (Limunsudan) at Laguna (Pagsanjan), o ang Lawa ng Taal (Taal Lake), o pati na rin ang Dagat ng Sulu (Sulu Sea)?
MGA ANYONG TUBIG
ANYONG TUBIG - Ang anyong tubig ay kahit anumang makahulugang pag-ipon ng tubig,kadalasang tinatakpan ang Daigdig
Mga uri ng Anyong Tubig:
KARAGATAN -Ang karagatan ay ang pinakamalawak at pinakamalalim naanyong-tubig. Maalat ang tubig nito.
HALIMBAWA:
• Karagatang Pasipiko
• Karagatang Atlantiko
• Karagatang Indian
• Karagatang Artiko
• Karagatang Southern
DAGAT -Ang dagat ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan.
HALIMBAWA:
• Dagat Timog Tsina
• Dagat Pilipinas
• Dagat Sulu
• Dagat Celebes
• Dagat Mindanao
ILOG - isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.
HALIMBAWA:
•Ilog Agno
•Ilog Agus
•Ilog Agusan
•Ilog Cagayan
•Ilog Marikina
•Ilog Pasig
LOOK - Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang- pandagat. Maalat din ang tubig nito sapagkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan.
HALIMBAWA:
•Ang Look ng Maynila
•Look ng Subic
•Look ng Ormoc
•Look ng Batangas
•Look ng Iligan
LAWA - isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.
HALIMBAWA:
• Laguna lake
• Taal lake
• Lanao lake
KIPOT - isang makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan.
HALIMBAWA:
• Istanbul as Bosporus.
TALON - matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa. - nabubuo ang mga ito kapag dumadaloy ang tubig mula sa isang lugar na may matitigas ng mga batuhan patungo sa mas mabubuwag o mahihinang uri ng lupa, yelo o bato.
HALIMBAWA:
•Pagsanjan Falls
• Maria Cristina Falls
• Aliwagwag Falls
SAPA - anyong tubig na dumadaloy.
GOLPO o GULF - bahagi ito ng dagat, ang tawag sa malalaking look.
HALIMBAWA:
•Lingayen Gulf
•Ragay Gulf
•Leyte Gulf
•Davao gulf
BATIS - ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos.
BUKAL - tubig na nagmula sa ilalim ng lupa
Mga Anyong Tubig
Reviewed by Keyzone
on
10:35 PM
Rating:
No comments: