Maraming gusto gumawa ng website at isa na ako doon. :) Dati, nong una palang, hinding-hindi din ako marunong gumawa ng website o blog na kagaya mo. Pero dahil sa pagnanasa na talagang gusto ko gumawa, ito na ang naging resulta ng pagnanasa ko - itong binabasa mo at nakikita mo. :) Ngayon, ikaw - marahil kaya't narito upang matutunan din ba kung paano gumawa ng website o blog?
'Wag kang mag-alaala, ibabahagi ko sa'yo ang natutunan ko pero kailangang mayroon kang willingness na matuto. Tanggalin mo muna sa isipan mo na "hindi ako marunong," "baka magkamali ako," "wala akong bakground," at iba pang dahilan na maging hadlang sa gusto mo. Ika nga, isa sa mga pinakamatinding kalaban ng sarili ay ang sarili din... Huh? Totoo po, kalimitan ay sarili natin ay nagbibigay hadlang sa atin kung paano magamit natin ang ating talino at kakayahan - at ang kailangan lang natin ay hubogin ang kakayahang iyon upang mapalago o ma-develop ang ating self-esteem. Kailangan labanan ang mga takot na ating nararamdaman sa ating sarili. Maging Think Positive ika nga.
Ngayon, dadako na po tayo sa pag-gawa ng website o blog. Maraming pwedeng gawaan ng libreng website o blog - tulad ng blogger.com, wordpress.com, wix.com, weebly.com, webs.com at marami pang iba. Ang ituturo ko sayo ay gumawa ng website/blog sa blogger.com.
Sundin lamang ang sumusunod na hakbang:
- Ang kailangan ay dapat mayroon kang account sa google.com upang maka-access ka sa blogger.com. Kung wala ka pang account sa google, kailangan mo munang gumawa. click mo dito para gumawa ng account mo.
- Sign in ka sa Google.com account mo or direct na tayo sa Blogger.com.
- I-click ang nasa kaliwang bahagi ng site ng blogger.com ang "Create New Blog"
- Sa "Title", I-type mo ang gusto mong pangalan ng iyong website o blog. Halimbawa po ay Arman Quezon Tutorial Blog.
- Sa address naman po ay depende rin sa gusto mong ilalagay. Halaimbawa po ay armantutorial at ang maging rsulta non ay armantutorial.blospot.com at yun ang magiging link ng website mo.
- Piliin ang "Simple" template at i-click ang "Create blog" na makikita sa ibaba.
- Sundin ang step by step na letrato sa ibaba.
- Pagaktapos nyong i-click "Page" at makikita nyo ay ganito.
- Click nyo po ang "New Page." Ang page po isang pahina ng website o blog tulad halimabawa ay "About Me" "Contact" at iba na gusto mong ilagay (pero click nyo po muna ang ang New page bago kayo makakasulat).
- Let's assuming na na-click nyo na ang "New page", halimbawa ang ilalagay natin ay "About Me" pwede ka na magsulat o mag-type sa ibaba ng tungkol sa'yo.
- Pagakatapos mong mag-type ng tungkol sa'yo, i-click ang "publish" nasa kanang bahagi ng page na yan.
- Pgakatapos mo ma-i-publish, maaari ka pa ring magdadag ng ibang page na gusto mo.
Ngayon naman po ay dadako naman tayo kung paano gumawa ng laman ng ating website o blog. Maaari kang gumawa ng iba't-ibang uri ng gusto mong maging laman ng website mo na maaaring makatulong sa mga mambabasa o tungkol sa iyong karanasan.
- I-click mo lang yung "New post" upang makapagsulat ka ng nais mong mailalagay sa website mo. Tulad din po ng page sa blog/website.
Para makita mo ang "page" ng website mo, kailangang i-adjust mo yung layout nito. At pwede ring i-hide ang page.
Congrats :) Tapos na ang unang hakbang para website/blog mo. Kung gusto mo bagohin ang template ng website mo, i-click mo lang Temaplate na nasa ibaba ng Layout (nasa kalagitanaan ng tutoryal na 'to).
Paano Gumawa ng Website (How To Make Website)
Reviewed by Keyzone
on
1:00 AM
Rating:
ayos bro hehe salamat sa napaka daling sundan na instructions mo. Meron din akong sinulat kung paano gumawa ng website kaso very basic sya, starting from using html and css para makagawa ng smipleng webpage, nandito - http://worldofjosh.com/paano-gumawa-ng-website-ang-unang-hakbang/
ReplyDelete