Ang bignay ay isang maliit na puno na na kilala dahil sa maliliit nitong bunga na maaaring kanin o ipang-sahog sa ilang mga lutuin. Ang dahon nito’y malapad, makinis, at pahabang bilog. Ang mapulang bunga ay tumutubo ng kumpol-kumpol na parang ubas. Karaniwang makikita sa mabababang lugar sa hilagang Luzon at sa isla ng Mindanao.
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA BIGNAY?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang bignay ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang halaman ay mayroong phenolics, flavonoids, anthocyanins at carotenoids.
Ang dahon naman ay mayroong corilagin, gallic, ferrulic, at ellagic acids. Mayroon pang flavone vicinin II at dimmer amentoflavone.
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Bunga. Ang bunga ay maaaring kainin o kaya’y katasan at inumin. Mayaman din ito sa mga mineral na iron at calcium.
Dahon. Ang dahon ng bignay ay maaaring ipantapal sa ilang mga kondisyon o kaya’y ilaga upang mainom.
ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG BIGNAY?
- Kawalan ng gana sa pagkain. Maaaring kainin ang bunga ng bignay upang magkaroon ng gana sa pagkain.
- Impatso. Ang kondisyon ng impatso o hirap matunawan ng kinain ay matutulungan din ng pag-inom sa pinaglagaan ng bunga ng bignay.
- Kagat ng ahas. Pinaniniwalaan ding mabisa ang dahon ng bignay bilang pantapal sa sugat mula sa kagat ng ahas.
- Anemia. Ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon at bunga ng bignay ay makatutulong na makaiwas sa kondisyon na anemia.
- Altapresyon. Nakakapagpababa din ng mataas na presyon ng dugo ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon at bunga ng bignay.
- Syphilis. Nakatutulong din ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng bignay sa sakit na dulot ng impeksyon ng syphilis.
Halamang Gamot - Bignay
Reviewed by Keyzone
on
12:00 AM
Rating:
No comments: