Naaalala mo pa ba noong kabataan mo kung ilang beses mong sinubukan ang iyong limitasyon? Natuto kang maglakad sa pamamagitan ng ilang ulit na pagkadapa, at pagkatumba hanggang makuha mo ang tamang 'timpla' at hayun isang araw eh marunong ka na maglakad. Dati rati limitado ka lang sa paggapang sa kama o sa kuna, pero ngayon mabilis ka pa sa kabayo kung tumakbo! Nalampasan mo ang limitasyon mo sa paggapang.
Marunong ka ba mag-bisikleta? Kung oo, paano ka natuto mag-bisikleta? Siguro maraming beses ka din natumba, nadapa, at kung minsan may gasgas ka pa sa tuhod o sa siko. Pero hindi ka sumuko. Sinubukan mo pa rin. Hayun, isang araw marunong ka na mag-bisikleta. Nalampasan mo ang limitasyon mo sa paglalakad.
Marunong ka ba magpatakbo ng motorsiklo o mag-drive ng kotse? Kung oo, paano ka natuto magmaneho? Siguro may ilang ulit ka ding namatayan ng makina o kaya napabigla sa pag-apak (kotse) o pagpihit (motorsiklo) sa silinyador? May mga pagkakataon ka pa siguro na akala mo mababangga ka ng kasalubong mo sa kalsada o kaya naman eh 'nadaplisan' mo ang nakasalubong mo at nakaramdam ka ng takot. Pero anong ginawa mo? Hindi ka sumuko. Ipinagpatuloy mo pa din. Isang araw marunong ka na magmaneho ng kotse o ng motorsiklo. Nalampasan mo ang limitasyon mo sa pagbibisikleta.
Maitanong ko lang, bakit mo ginawa ang mga iyon? Bakit sinusubukan mong lampasan ang iyong mga limitasyon? Pwede ka naman sanang komportable lang na nakahiga sa kuna o sa kama at hindi ka na nadapa sa kakasubok mo para matuto maglakad? Pwede ka naman sana maglakad na lang at hindi ka na sumubok mag-bisikleta para hindi ka na nagasgasan? Pwede ka naman sana mag-bisikleta na lang at hindi ka na sumubok magmaneho ng motorsiklo o ng kotse para hindi ka na nakaramdam ng ganoong takot habang nasa kalye at maraming mabibilis na sasakyan kang makakasalubong?
Ah alam ko na. Siguro kaya mo ginawa ang mga iyon kase nakita mo ang 'benefits' nito sa iyo at marahil nakita mo din ang 'freedom' o excitement na nararamdaman ng ibang taong gumagawa nito? At dahil natutunan mo at nalampasan ang iyong mga limitasyon eh mas marami kang nagagawa at mas malayo ang iyong nararating.
Pero alam mo ba sa "kasamaang-palad", habang tumatanda tayo ay mas lumiliit ang pagkakataon na i-test natin ang ating mga limitasyon. Dahil sa takot na itinuturo sa atin at minsan dahil na rin sa mga insecurities na nabubuo sa atin dahil sa impluwensiya ng mga taong nakakasama at nakakahalubilo natin, hayun nililimitahan natin ang sarili natin. Ang kakayahan natin at maging ang mga potential natin. Madalas nga gusto mo ay na sa "safe side" ka dahil sa takot na baka hindi ka matanggap ng mga kaibigan mo, ng mga kapitbahay mo, ng boss mo, ng mga ka-opisina mo, at lalo ng pamilya mo.
Pero gusto mo maging successful, tama ba? Gusto mo ba talaga? Sasabihin ko sa iyo ang isang sikreto. Ang mga tao na tunay na successful sa kanilang career o maging sa negosyo, palagi nilang sinusubukan at pinipilit lampasan ang kanilang limitasyon. At kadalasan ginagawa nila ito araw-araw na para bang isang bata. Madalas kahit matanda na sila, nadadapa pa din sila. Nalulugi. Nasasaktan. Pinagtatawanan. Kinakantiyawan. Pero hindi pa rin sila sumusuko. Try pa din ng try. Pag hindi nila alam, pipilitin pa din nilang alamin. Magbabasa, magtatanong, magre-research, at hayun magta-try na naman ulit. Isang araw, sa isang maliit na pagkakataon may makikita silang malaking opportunidad. At dahil hindi sila sumuko sa kaka-try, naging successful sila. Sabi nga di ba, "Behind every success story, is a long list of mistakes."
Simula ngayon, mag-try ka lang ng mag-try. Huwag ka magse-settle kung ano sa palagay mo o lalo na kung ano sa palagay ng ibang tao para sa iyo sa kung hanggang saan lang ang limitasyon mo. Magbasa ka. Magtanong ka sa taong totoong successful. Mag-research ka. At higit sa lahat kapag natuklasan mo na ang mga hakbang na dapat mong gawin, simulan mo nang gawin. No excuses. Just do it right away. If you failed, try again. Never give up. Nakakatiyak ako, isang araw ikaw naman ang magbabahagi ng iyong kuwento kung paano ka naging successful dahil hindi ka sumuko sa pag-test ng iyong limitasyon.
How To Become Successful On Network Entrepreneurship
Reviewed by Keyzone
on
8:45 PM
Rating:
No comments: