Pinyaram


Ang pinyaram ay isa sa mga peborito ng mga tribung Pala’wan lalo na kung sila ay may mga ginaganap na selebrasyo tulad ng pasasalamat, jakat, urmat, payag at iba pang mga ritwals na ginaganap.

Ang pinyaram ay ginagawa mula sa pinulbos na malagkit na bigas (rice powder) na tinatawag nilang tepong at hinahaloan ng asukal at maaari ring haloan ng yeast kung kinakailangan.

Ang pagluluto ng pinyaram ay kinakailangang marunong sa tamang sukat ng galapong, asukal at tubig upang maging mganda ang pagkakaluto nito. Maaaring matigas o subrang lambot o tabang ang pagkakatimpla nito kung hindi tugma sa sukat kung kaya’t ang ibang nagluluto nito ay ginagamitan ng yeast.

  1. Maghanda ng galapong na malagkit.
  2. Magahanda ng mantika
  3. Maghanda ng maliit na kawali, panggatong at stick upang pantuhog sa nilulutong pinyaram
  4. Kumuha ng isang palangganita or palanggana.
  5. Sukatin sa baso ang galapong at ilagay sa palangganita or palanggana.
  6. Lagyan ng tubig at asukal ang galapong at haloin.‘Wag masyadong malapot at at ‘wag din masyodong matubig.
  7. Isalang ang kawali sa kalan na may apoy (‘katamtaman lang apoy).
  8. Lagyan ng mantika ang kawali at painitin muna bago ilagay ang lulutoin.
  9. Maglagay ng ½ cup na namasang galapong atibuhos sa sinalang na kawali na may mantika
  10. Baligtarin ang nilulutong pinyaram kung ito’y medyo luto na upang maluto din ang nasa ibabaw.
Pinyaram Pinyaram Reviewed by Keyzone on 12:36 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.