Halamang Gamot - Oregano



Ang Oregano (Coleus aromaticus) ay isang halamang gamot na marami at malambot ang mga sanga; mabango at matapang at amoy. Ang mga dahon nito’y nasa 2-3 pulgada ang haba, at maypagkahugis-puso at itsura.
Matagal na rin itong ginagamit hindi lamang bilang gamot kundi bilang pampalasa sa mga pagkain. May mga pag-aaaral narin ng ginawa kung saan may mga katangiang nakita sa halamang ito na nagpapakitang may potensyal bilang isang halamang gamot ang oregano.

MGA TRADISYONAL NA GAMIT NG OREGANO

  • Nakapagbibigay-ginhawa sa ubo, sipon, at lagnat lalo na sa mga sanggol
  • Nakapagbibigay-ginhawa sa sore throat o pharngitis
  • Gamot para sa mga pigsa at pananakit sa kalamnan
  • Iba pang mga tradisyonal na gamit ng oregano: Gamot sa UTI, sa sore throat, sa sakit ng tiyan

PAANO GAMITIN ANG OREGANO
  • Maaaring magpakulo ng isang tasa ng sariwang dahon sa tatlong tasa ng tubig, ilaga ito sa 10-15 minuto. Uminom ng isang tasa tatlong beses isang araw para sa ubo’t sipon.
  • Para sa ubo at rayuma, maari ring gumagamit ng mas matapang na preparasyon. Pigain ang mga dahon ng oregano at uminom ng isang kutsarita ng katas nito, tatlong beses rin isang araw.
  • Para sa mga pigsa, sugat, o kagat ng insekto, dikdikin ang mga dahon at ipahid ito sa apektadong bahagi ng katawan, isang beses isang araw.







Halamang Gamot - Oregano Halamang Gamot - Oregano Reviewed by Keyzone on 7:48 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.