Ang mapait na katotohanan sa kabila ng pagkain natin ng mga paborito nating matatamis tulad ng chocolates, icecream, tinapay, kanin, inuming matatamis tulad ng softdrinks, energy drinks etcetera ay unti-unting kumikitil sa ating buhay.
Samahan
nyo ako sa pag-aaral kung paano ang matamis ay unti-unting pumapatay sa atin na
sanhi ng kilalang sakit ngayon na kung tawagin ay diabetes, masmainam na may
alam tayo upang hindi tayo naaalarma kapag dumating sa atin ang ganitong sakit
o sa ating mga mahal sa buhay, upang hindi tayo basta-basta natatakot at
sunod-sunoran sa bawat sasabihin ng mga doctor.
Kapag
lagi nyong dadalawin ang doctor nyo hindi kayo mawawalan ng sakit :) masasaid
lang pera nyo.
Kaya mas maganda mag-aral tayo kung paano ito maiiwasan at gagamuting natural.
Dahil
sa nakakahiligan nating pagkain ngayon ay dumadami ang nagkakaroon ng sakit na
ito, kaya mas marami sa atin ang may sakit na ganito na hindi nalalaman na
meron na pala sila nito, malibang lumala na ang sintomas at doon pa lamang
magpapasuri at malalamang may taglay silang ganitong karamdaman.
Tayong
mga tao masmadalas sa atin ang gusto lang ng ating panlasa ang madalas nating
uulit-uliting kainin, kung mapapansin nyo ang Dios binigyan tayo o pinasibulan
ang lupa ng mga sari-saring halaman at punong kahoy na may ibat-ibang lasa
katulad ng mapait, mapakla, maasim at matamis dahil lahat ng ito ay may
gagawing mabuti sa ating katawan kapag ating nakain, pero tayong mga tao kung
ano 'yong masarap sa panlasa 'yon lang ang uulit-ulitin na kainin at dahil nga
'yon lang ang nakakahiligan kaya 'yon lang ang nakakahiligan patubuin o
paramihin tulad ng palay na pinakapangunahing pinakapagkain nating mga pinoy
at mapapansin nyo halos matatamis na
prutas ang madalas makita sa pamilihan at 'yong ibang prutas halos hindi na
natin makita dahil wala ng masyadong tumatangkilik, kaya 'yon lang ang madalas
itanim ng mga magsasaka.
Tuloy
mapapansin nyo masmaraming may sakit ngayon at may malaking kinalaman ang bawat
pagkaing ating kinakain at nakakahiligan sa ating pagkakasakit at isa na nga
dito ang pagtaas ng asukal sa ating dugo na hindi natin namamalayan na ito ang
unti-unting kumikitil ng ating buhay.
Ang Diabetes Mellitus.
Ito ay
ang pagkakaroon ng sobrang mataas na asukal (glucose) sa dugo at hindi
nakakapasok sa mga selyula dahil sa kawalan ng insulin; maaari ring ang dahilan
ay ang pagdami rin ng insulin sa dugo ngunit wala nang kakayahan na makapagpapasok
ng glucose sa mga selyula.
Maaaring
ang dahilan nito ay ang hindi pag-function ng maayos ng pancreas o pagkasira
mismo ng organ na ito kaya nawawalan ng kakayahang magpalabas ng insulin at ang
isa pang dahilan ay ang stress, kapag stress tayo ang adrenal gland ay
naglalabas ng adrenaline upang magbigay ng signal sa pancreas na maglabas ng
glucagon upang ang itinagong asukal ng atay (glycogen) ay mailabas sa dugo,
kapag hindi na-control ang stress at tuloy-tuloy, ito ay magiging dahilan ng
sobrang daming asukal sa dugo; ang isa pang inilalabas na hormone ng adrenal
gland habang tayo ay stress ay ang cortisol, ito ay nagpapahinto sa insulin na
magpapasok ng glucose sa cells at pumipigil na madiktahan ng insulin ang atay
na itago ang sobrang glucose na dahilan din ng pagdami ng asukal sa dugo.
Ano ang pancreas?
Ang
glucagon ay inilalabas ng pancreas sa oras na mababa ang asukal sa ating dugo;
katulad sa panahon na hindi tayo kumakain at habang tayo ay nag-e-ehersisyo, sa
oras na inilabas ang glucagon ang atay ay magpapalabas ng asukal (glycogen) na
kanyang naitago upang mailabas sa dugo na ito ay magiging glucose; bukod sa
pagpapalabas ng asukal na itinago ng atay ay may iba-iba pa itong tungkulin sa
ating katawan.
Ano ang insulin at ang ginagawa nito sa
ating katawan?
Ang
insulin ay lumalabas kapag tayo ay nakakain o nakakainom ng kahit anong matamis
at nakakain ng pagkaing naco-convert sa glucose tulad ng carbohydrates, at
kapag ang atay ay nagpapalabas ng glucose sa dugo.
Isa sa
ginagawa ng insulin ay nagbibigay ng signal o nagsisilbing pinaka susi ng cell
upang ang glucose ay makapasok dito at magamit ng ating katawan bilang
pinaka-fuel o lakas natin.
Kapag
ang cells natin ay may sapat na glucose ang insulin ay magbibigay ng signal sa
atay upang ang glucose ay itago muna pansamantala as glycogen at upang
maireserba sa oras na kailanganin ito ng ating katawan (sa panahon na hindi
tayo kumakain at habang nag-e-ehersisyo).
Ang
sobrang glucose na hindi na maitatago ng atay ay gagawin nyang fats at itatago
sa mga fat cells sa bahaging tiyan (visceral fat storage) pansinin nyo
masmabilis lumaki sa atin ang tiyan dahil don pala ito madalas itago.
Kapag
sobra ang kain natin ng matamis tapos walang ehersisyo, mapapansin nyo
masmabilis tumaba kasi ang sobrang glucose na hindi kayang itago ng atay ay
nagiging taba at maiireserba ng matagal at matatago sa fat tissue na dahilan ng
pagtaba lalo kung ang stress hormones ay mataas palagi at maaari ring mauwi sa
pagkadeposit ng taba sa atay o 'yong tinatawag na fatty liver, kung hindi ito
madadala sa fat cells, at darating ang oras na kapag laging ganito ang
nangyayari ay magkakaroon na ng sakit na tinatawag na liver cirrhosis o
pagkasira ng atay na kapag nasira ng tuluyan ay maaaring ikamatay ng may
diabetes kung hindi magkakaron ng liver transplant. Karamihang may diabetes ay
namamatay sa pagkasira ng atay dahil kasunod ng malalason ang dugo dahil sa
diabetic ketoacidosis o pagtaas ng acid sa dugo, ng dumi mga toxins, bacteria at
parasites lalo na ang fungus.
Ang
paniniwala ko isa ito sa pangunahing dahilan ng pagkakasakit ng tao (pagtaas ng
asukal sa dugo), hindi natin namamalayan na tumataas na pala ang asukal sa dugo
at unti-unti ng ikinasi-sira ng ating atay at kidney pangalwa na lang ang
pagka-expose sa maruming kapaligiran, pag-inom ng mga gamot na kemikal,
pagkaing makemikal etc; dahil nasa loob mismo ng ating katawan ang totoong
problema dahil sa pagkain natin ng walang ingat sa mga pagkaing nagiging
glucose; kasi kapag marami ng asukal sa dugo buhay ang lahat ng uri ng
parasites na magdadagdag ng dumi, toxins
o lason sa dugo na umpisa na ng pagkakaron ng hindi balanseng ph level na
tinatawag o 'yong alkalinity/acidity ng dugo, kapag mataas na ang acid ay ito
na.. malalason na ang mga selyula, organs at buong sistema ng katawan na umpisa
na ng mga sari-saring sakit.
Tuloy
tayo sa ating pinag-uusapan sa bandang taas, ang protina ay nagagamit din na
pinaka-energy natin kapag walang glucose at fats.
Ang
mga selyulang walang pumapasok na glucose, ang protina na andon sa cells ang
nagagamit bilang kapalit ng glucose na naco-convert sa energy, kaya ang
nangyayari ang mga kalamnan ay lumiliit, kunyari ang laki ng tiyan mapapansin
nyo ang braso sobrang mapayat o ang puwitan ay walang laman dahil sa mga
malalamang parte don kumukuha ng protinang (amino acids) ginagawang kapalit ng
glucose bilang energy at upang mapanatiling malakas pa rin ang katawan kahit
walang asukal na pumapasok sa cells.
Ang
suma-total ang insulin ay nagbibigay ng signal sa cells upang makapasok ang
glucose, at nagbibigay rin ng signal sa atay upang maitago ang glucose bilang
glycogen at ang sobrang glucose ay ginagawa ng atay na taba.
Mga uri ng sakit na
diabetes:
1. Type 1
diabetes mellitus
2. Type 2
diabetes mellitus (na maaaring mauwi sa DKA o diabetic ketoacidosis kapag
laging mataas ang asukal sa dugo na maaaring ma-comatose at mamatay ang
pasyente dahil sa pagtaas ng acid sa dugo na ikinalalason ng dugo ng pasyente)
3. Gestational
diabetes.
Ano ba ang Type 1 Diabetes?
Ito
ang uri ng diabetes na huminto na ang pancreas sa paglalabas ng insulin na
dahilan ng pagdami ng asukal sa dugo at kawalan naman ng asukal o glucose sa
mga selyula na dahilan ng paglabas ng sari-saring sintomas na paghindi naagapan
ay maaaring ikamatay; kaya ang ginagawa ng mga conventional doctors ay
sinasaksakang regular ng insulin ang pasyente upang kahit papano ay tuloy ang
buhay, ang masama dito ay habang buhay na daw ang pag-iinsulin ayon sa mga
conventional doctors.
Ang
isa sa dahilan kung bakit nawawalan ng kakayahang maglabas ng insulin ang
pancreas ay maaaring napagod sa mayat-maya nyang paglalabas ng bulto-bultong
insulin dahil sa kaka-kain ng sobrang matatamis o macarbong pagkain, maaaring
dahil sa baradong ugat patungo sa pancreas kaya ito ay nanghihina at hindi
nakakagawa ng kanyang tungkulin at ang isa pa ay ang parasites o mga
sari-saring masasamang organismo na nabubuhay sa ating katawan na lalong
dumadami kapag maraming asukal ang ating dugo na nakakapanira sa ibat-ibang
organ natin kapag sila ay dumami na sa dugo at kabilang na ang pancreas sa
maaari nilang sirain; malaki ang porsyento ng parasites na nasa dugo kapag ang
ating dugo ay masyado ng maraming asukal dahil ito ang kanilang pinakapagkain
upang sila ay mabuhay at habang sila ay kumakain at dumadami sila ay naglalabas
ng lason sa ating dugo; na dahilan ng panghihina ng ating mga organs at syempre
umpisa na ng mga sari-saring sintomas o mga karamdaman.
Paaano nakakapanira ang parasites sa
pancreas?
Kapag
kumakain tayo o umiinom ng matatamis at ng kahit anong pagkaing may
carbohydrates ay nagiging glucose ito, kapag palaging matamis ang ating
kinakain ay dito na mag-uumpisang dumami ang mga masasamang organismo at
ibat-ibang uri ng parasites sa ating bituka; kapag marami na sila maninira sila
ng dingding ng bituka at lalabas sila dito at masasama sa blood stream o sa
dugo at makakapagumpisa ng makapaglakbay sa ating katawan.
Ang
pagdami ng masasamang organismo sa ating malaking bituka ay maaaring makapunta
sa ating maliit na bituka at pagdumami ito sa ating maliit na bituka bukod sa
gagawa sila ng butas sa dingding ng bituka ito ay maaaring umakyat hanggang sa
pinakaumpisa ng ating maliit na bituka kung saan malapit na doon ang
gallbladder, pancreas at atay; dito ay maaaring mabilis na makapanira ng mga
organs na nabanggit ko ang parasites na hindi na sila lulusot sa butas na
ginawa nila sa bituka.
Kapag
kulang ang digestive enzymes, pancreatic enzymes at bile na inilalabas ng
gallbladder ang parasites o mga sari-saring mikrobyo ay hindi mako-kontrol sa
pagdami at kung hindi rin mahilig kumain ng pagkaing maraming bawang, sibuyas,
papaya, pinya, mapapait at luya ay lalong dadami ang mga parasites at
ibat-ibang masasamang organismo sa ating bituka at dito na mag-uumpisang
makaramdam ng sakit ng tiyan, pakiramdam bloated at 'di natutunawan, dumadami
ang acid sa sikmura hanggang sa mangasim at umakyat sa bibig, magkakaproblema
na sa gallbladder o pagmumulan na ng bato sa apdo dahil maaaring ang parasites
ay nagbabara na sa cystic duct na daanan ng apdo o bile, hanggang sa ang
maapektuhan na ay ang pancreas at sirain na ang beta cells na naglalabas ng insulin;
ayon sa mga conventional doctors ang dahilan daw ng pagkasira ng beta cells ay
dahil sa tinatawag nilang auto-immune disease o 'yong sakit na sarili mong
immune system ang umaatake sa beta cells ng pancreas; ang totoo nyan 'yong
immune system talagang magpapadala ng mga sundalo nya o white blood cells upang
atakihin ang mga parasites na sumisira sa pancreas dahil meron talagang kaaway
na sumisira dito, sa pagsaklolo ng immune system ito ang nasisisi ng mga
doctor, na ito daw ang sumisira sa beta cells ng pancreas; masasabi lang ng mga
doctor na may type 1 diabetes kana kapag halos 90 porsyento ng beta cells ay
nasira na ng mga parasites, kaya talagang madalas nagpapadala ng sundalo ang
ating immune system dito upang ito ay labanan at sugpuin ang mga kaaway
(parasites) sa gantong away nagkakaroon ng pamamaga sa organ kung saan
sumasalakay ang mga white blood cells dahil ang pamamaga ay isa sa nangyayari
kapag rumiresponde ang immune system, kaya maaaring makita na ang pancreas ay
namamaga, tuloy.. immune system ang sinisisi ng conventional doctor sa
pagkasira ng beta cells kaya hindi na nakakapaglabas ng insulin, karamihan sa
kanila ay 'di inaaral ang totoong dahilan at sinasabi na lang na autoimmune ang
dahilan nito, pero may mga mangilan-ngilan din na research scientist doctor ang
naglaan ng oras sa pag-aaral sa ganito at napatunayan nila na ito nga ang
totoong dahilan.
Kapag
ang beta cells ay tuluyang nasira ito ay hindi na makakapaglabas ng insulin at
dito na dadami ang glucose o asukal sa dugo at ito na 'yong tinatawag nilang type
1 diabetes.
Kapag
tayo ay nawalan na ng supply ng insulin, dadami na ang asukal sa dugo na
ikatutuwa naman ng mga parasites dahil marami silang pagkain lalo na ng mga
fungus o kilala sa tawag na yeast o candida at umpisa na ng paglapot ng dugo at
hirap sa pagdaloy nito o magbabara-bara na lalo na sa bandang maliliit ang mga
ugat katulad sa utak, mata etc., kaya mabilis makaramdam ang iba ng paglabo,
makakaramdam na ng pamamahid, pagkasira na nag mga organs, pagbaba o pagtaas ng
presyon, panghihina ng katawan dahil sa wala ng magamit na asukal upang
mai-convert sa lakas, apektado na rin ang ating digestion, maaaring makaramdam
na ng hilo, pangangati ng balat, ng pwerta dahil sa pagtaas ng fungus sa dugo,
paglitawan ng sari-saring infection etc. etc.
Ang
pagkasira ng beta cells sabi ng mga conventional doctors ay panghabang buhay na
raw.
Ang
cells ay maaaring mabuhay ng tuloy-tuloy sa tamang environment, walang toxins
may sapat na oxygen, sapat na nutrisyon na kailangan nito. Kung sakaling nasira
na nga ng parasites at namatay man ang cells ay mapapalitan ulit ito ng bago sa
tamang pagdedetox o pagpapalabas ng toxins, pagpatay sa mga parasites
ehersisyo, sapat na nutrisyon o tamang pagkain at mga halamang gamot ay
maaaring manumbalik ang sinasabi nilang nasirang beta cells.
Hindi
lang kasi tayo tinuturuan ng mga doctor ng tamang paraan kung paano tayo hindi
magkakasakit, swerte mo kung merong magtuturo sayo. Bihira 'yon dahil ang mga
tao gusto nila laging may sakit para may kita sila, kapag walang may sakit wala
silang kita.
Mas
marami sa kanila ay walang balak na ang tao ay gumaling bagkus gumagawa sila ng
paraan upang ang tao ay tuloy-tuloy na magka-sakit upang sila ay magka-kwarta
dahil sila ay ginagawang ahente ng mga malalaking kompanya ng gamot at nga mga
sari-saring nausong test na kung tutuusin hindi naman kailangan dahil ito ay
lalo lamang nagpapahina sa pasyente dahil sa mga radiation nito.
Ano naman ang tinatawag na
type 2 diabetes o tinatawag nilang insulin resistance?
Ito ay
ang pagdami ng insulin sa dugo dahil sa pagtaas lagi ng cortisol o stress
hormones na nagiging dahilan upang ang insulin ay mahadlangan sa pagpapasok ng
glucose sa cells at napipigilan sa pagbibigay ng signal sa atay na makapagtago
ng sobrang asukal.
Kaya
napakasama po na lagi tayong ma-stress dahil isa ito sa dahilan ng pagkakaroon
ng diabetes.
Dahil
sa hormones na inilalabas ng adrenal gland sa tuwing tayo ay nakakaranas ng
stress ito ay nakakapagpataas ng asukal sa dugo.
Paano?
Naglalabas ang adrenal gland ng tinatawag na adrenaline sa tuwing tayo ay
stress at ang hormone na ito ay nagbibigay ng signal sa pancreas upang maglabas
ito ng glucagon na magpapalabas naman ng itinagong asukal ng atay at kapag lagi
tayong stress masmaraming adrenaline na magpapalabas lagi ng asukal na dahilan
ng pagtaas lagi ng asukal sa dugo; at kapag stress tayo naglalabas din ang
adrenal gland ng cortisol na pumipigil sa tungkulin ng insulin.
Ang
insulin ay lalong dumadami sa dugo kapag ito ay 'di na nakakapagpapasok ng
glucose sa cells dahil mag-uutos ang utak sa pancreas na maglabas ng maraming
insulin dahil nagkakaron ng signal sa utak na wala ng glucose sa cells kaya
lalong dadami ang insulin sa dugo.
Kaya
kahit maraming insulin sa dugo maaari pa rin tumaas ang glucose dahil ito nga
ay hindi na nakakapagpapasok ng glucose sa cells dahil nahahadlangan ng
cortisol.
Marami
sa atin ang may type 2 diabetes na hindi nalalaman, kaya mag-ingat po sa ating
pagkain at iwasang ma-stress.
Ang
nakakaranas ng ganitong uri ng diabetes ay mas madaling kapitan ng cancer sa
atay (liver cirrhosis) at pagkasira ng kidney dahil sa sobrang napapagod ang
atay at kidney sa pagpapalabas ng maraming lason o dumi ng dugo dahil sa laging
mataas na asukal na pilit nilang ipinapalabas sa ating katawan dahil sila ang
pangunahing nagpapalabas ng dumi ng ating katawan kaya sila ang mauunang
manghina at kapag ang atay at kidney ang nanghina ..naku madadali ang buhay.
Maraming
mga namamatay sa liver cirrhosis pero hindi pinapansin na may malaking
kinalaman pala ang pagtaas ng asukal sa dugo.
Ano ang gestational
diabetes?
Pagtaas
ng asukal sa dugo habang nagbubuntis (3rd trimester) dahil ang placenta ay
naglalabas ng ibat-ibang hormones na nagiging dahilan ng pagdami ng glucose sa
dugo ito ay kaya namang i-handle ng pancreas kung maaayos itong nakakagawa ng
kanyang tungkulin sa paglalabas ng insulin at tama ang dami at sa oras ang
pagkain ng carbo o matamis.
Sa
oras na mailabas ang bata ay babalik naman ito kaagad sa normal kung walang
problema ang pancreas at hindi abuso sa pagkain ng mga matatamis.
Ano ang mangyayari kapag laging mataas ang
glucose o asukal sa dugo?
Bukod
sa paglapot ng dugo, pagbabara ng mga ugat, pagtaas o pagbaba ng presyon,
pagkahilo, pangangati ng balat ng pwerta etcetera, ito ay mauuwi sa tinatawag
nilang DKA diabeticketoacidosis, ito ay ang pagtaas ng acid sa dugo o pagdami
ng lason na maaaring ika paging palyado ng ating mga organs tulad ng atay at
kidney na ikaka-comatose ng pasyente dahil sa lason ng dugo na hindi na
naiilabas ng mga organs na nagpapalabas ng toxins at mabilis ikamamatay ng
pasyente.
Ito
ang nakakatakot dito kapag ang asukal sa dugo ay hindi na makontrol o mapababa,
maaaring ikasira ng mga organs na nagpapalabas ng lason sa katawan (pangunahin
ang atay, kidney, spleen at kasunod ng baga, balat, bitukang malaki na
nagpapalabas ng tae at lymphatic system)
Ang
ikinamamatay ng may sakit na daibetes ay kapag bumigay na ang atay at kidney
dahil sa sobra silang nanghina sa pagpapalabas ng lason na dulot ng mataas na
asukal sa dugo, ang mga ito ang masyadong abalang-abala sa paglilinis ng ating
dugo upang mailabas ang mga lason sa ating katawan, kaya lang kapag laging
mataas ang asukal sa ating dugo na dahilan ng pagdami lalo ng dumi o toxins sa
dugo ay lalong napapagod ang atay at kidney sa pagpapalabas, kaya dumarating
ang oras na sila ay wala ng kakayahang magsala ng dugo at magpalabas ng toxins
at dito na mamatay ang pasyente na may diabetes.
Ano pa ang ibang dahilan ng sakit na ito?
Ang pagkakaron ng mahinang spleen ay may malaking kinalaman sa digestive system at kasama na nga dito ang pancreas na kapag ang spleen ay mahina apektado ang glandula na ito sa paglalabas ng insulin.
Kaya
ang unang palalakasin ay ang spleen kung plano nating pagalingin ang ating
diabetes at sabayan ng paglilinis ng bituka.
Ang
mapapait tulad ng serpentina at ampalaya ay nakakatulong sa pagpapalakas ng
spleen kaya kung mapapansin nyo ay ito ang madalas ipainom sa may mga daibetes
dahil ang pangunahing pinapalakas nito ay ang spleen, kapag malakas ang spleen
kasunod ng lalakas ang pancreas, atay, maliit na bituka (buong digestives
system) puso (circulatory system) at lypmhatic system.
Napakahalaga
ng spleen sa ating katawan na madalas kinakalimutan na ng mga conventioanal
doctor ang tungkol sa organ na ito at 'di na pinapansin na ito ay may
napakalaking bahagi na naitutulong sa mga sistema na bumubo ng ating katawan
tulad ng: digestive, circulatory, lymphatic at mmune system.
Humihina
ang spleen kapag madalas uminom ng malamig maraming toxins, parasites sa dugo
at kapag nawala sa tamang posisyon ang solar plexus.
Ano ang mga maaaring maramdaman ng may type 1 at type 2 diabetes?
- Pagkahilo dahil sa kawalan ng asukal sa dugo (madalas itong maramdaman ng mga nagsasaksak ng insulin o umiinom ng gamot na pangpababa ng asukal sa dugo), maaaring nagkukulang ng oxygen ang utak dahil sa pagbagsak ng hemoglobin dahil nanghihina na ang kidney o kulang ng supply ng dugo sa utak dahil sa pagkasira ng mga ugat o pagbabara.
- Panghihina dahil sa kawalan ng asukal, protina at fats sa cells na gagawing energy (kapag nakaramdam ng hilo at panghihina maglagay ng gakurot na rock salt at asukal na pula sa dila)
- Laging nauuhaw palatandaan na natutuyuan na ng tubig sa cells o dehydrated dahil sa madalas na pag-ihi.
- Madalas makaramdam ng pag-ihi dahil pinipilit ilabas ng kidney ang sobrang daming asukal sa dugo kaya ihi ng ihi (kaya dapat laging maraming tubig ang iinumin at maglagay ng gakurot na asin sa dila upang maiwasang ma-dehydrate)
- Sobrang magutumin dahil sa kakulangan ng asukal na pumapasok sa cells kaya nagbibigay ng signal ang utak upang ikaw ay kumain ng kumain (uminom lang ng tubig kapag madalas magutom, kung 'di madadala sa tubig ay kumain ng hiniwang carrot at siguraduhing kakain sa tamang oras)
- Pagbaba ng timbang dahil ang kinakain kahit anong dami ay hindi nagagamit ng katawan dahil ito ay madalas lang ilabas o iihi.
- Pagtaas ng timbang o pagtaba dahil sa paglalabas ng maraming cortisol o stress hormoens na nakakahadlang sa pagko-convert ng fats sa energy.
- Pagka-iritable o pagbabago ng mood dahil sa pagka-wala sa posisyon ng solar plexus at overactive ang adrenal gland.
- Blurred na vision dahil sa pagkasira ng mga ugat
- Panunuyo ng bibig dahil sa pagkatuyo ng tubig sa cells o dehydrated.
- Sugat na matagal gumaling dahil sa pagdami ng fungus at bacteria at paghina ng immune system.
- Panghihina o pagkaramdam ng laging pagod dahil sa kakulangan ng hemoglobin
- Pangangati ng pwerta sa babae (vaginal yeast infection) dahil sa pagtaas ng parasites (fungus)
- Hindi pagtayo ng ari ng lalaki dahil sa pagbabara ng ugat o pagkasira nito.
- Sari-saring sakit sa balat na may kasamang panga-ngati dahil sa pagdami ng fungus.
- Madalas magkaroon ng sari-saring infection, ubo, sipon, lagnat pamamaga ng tonsil o pagkakaron palagi ng kulani dahil sa pagdami ng mikrobyo sa dugo, bacteria, parasites etc at na dahilan na rin ng paghina ng immune system.
- Hirap sa paghinga dahil sa kakulangan ng hemoglobin na nagdadala ng oxygen o kaya sobrang taas ng cortisol na nagpapasikip sa mga ugat.
- Sari-saring sakit sa katawan na nararamdaman, kahit sa ulo dahil sa pagdami ng toxins sa dugo o pagataas ng acid sa dugo at kakulangan ng oxygen.
- Pagkaramdam ng panglalamig o panginginig kahit mainit ang panahon, palatandaan ito na walang glucose sa cells at nagpapalabas ang nervous system ng isang uri ng chemical sa pagpapalabas ng glucose upang makapagpalabas ng insulin upang makapagpasok ng glucose sa cells.
- Pagpapawis lalo sa kamay at sa paa ng malalamig, palatandaan na walang nakakapasok na glucose sa cells at maraming asukal sa dugo o toxins at maaari ring kulang sa hemoglobin dahil sa panghihina na ng kidney.
- Sa bata nakakaranas ng pag-ihi sa higaan, mapapansin nyo dati hindi naman sya ganon.
Paano natin ito maiiwasan at gagamutin ng
natural?
1. Iwasang
magpaliban ng pagkain dahil kapag nahinto ang signal ng insulin sa atay ay
magpapalabas ito ng asukal sa atay, at kapag laging ganito tataas ang asukal,
tataas ang insulin na magiging dahilan ng type 2 diabetes at ng paglaki ng
tiyan o pagtaba dahil ang sobrang asukal ay ginagawang fats ng liver. at
itinatago sa fat cells madalas sa bandang tiyan.
- Iwas sa mayat-mayang pagkain ng mga matataas na carbohydrates o matatamis na pagkain at inumin.
- Iwasan ang masasamang pagkain at inumin na makakadagdag sa lason sa dugo na ikakapanghina pa ng atay. Hanggat maaari kaunting kanin lang at piliting maggulay (mataas ang fiber tulad ng: madahon at mabubuto), isda at prutas lang muna.
- Iwasan ang pagkain ng maraming saging dahil sa mga prutas ito ay isa sa may pinakamataas na asukal.
- Iwasan ang kape at kahit anong may caffeine nakakapagpataas ng cortisol.
- Uminom ng mapapait tulad ng ampalaya at serpentina isa o dalawang beses sa maghapon iinom nito pagkalipas ng isang oras na makakain.
- Hiniwang 3 okra ilagay sa basong may tubig ibabad magdamag at sa umaga pagkagising inumin ang pinagbabaran ng okra.
- Sa tuwing kakain siguraduhin na may kasabay na mga madahong gulay o mataas na fiber upang hindi bigla ang paglalabas ng insulin kung kumakain ng pagkaing may carbohydrates o matamis.
- Kapag nakakaramdam ng panghihina maglagay ng isang kurot ng rock salt at asukal na pula (mascuvado) sa ilalim ng dila, upang manumbalik ang lakas.
- Uminom ng sapat na tubig sa maghapon (8 baso) sa bawat tumitimbang ng 25kg ay 4 na baso.
- Mag-ehersisyo, magpasikat sa araw at gawin ang deep breathing.
- Maaaring gawin ang acupressure sa palad 3 beses isang araw.
Pangalawa
isunod sa point no. 37 spleen sa kaliwang palad, no. 25 ng pancreas at ang
pagpindot sa dalawang palad sa no.16 ng lymph glands ito ay sa gitna ng
nilalagyan ng relo.
Ang
pagpindot sa spleen, pancreas, lymph glands ay idiin ang dulo ng thumb at
bilangan ng 6 bago i-angat at pindot ulit hanggang sa makadalawang minuto bawat
points, habang ginagawa ang acupressure ay sabayan ng deepbreathing at
pagkatapos ay uminom ng dalawang basong tubig upang mailabas ang toxins at uric
acid sa pamamagitan ng pag-ihi.
Masmaganda
kung magagawang mapindot ang lahat ng mga points araw-araw upang magkaroon ng
magandang kalusugan at makaiwas sa lahat ng uri ng sakit.
Aakalin
ba nating ang simpleng pagpindot sa palad ay maraming napapagaling? Salamat sa
Dios sa kaunawaang ito at sana magawa nating lahat ang acurpressure o maii-sama
na sa araw-araw nating routine at sabayan na natin ng pagpapasikat sa araw,
ehersisyo, deep breathing, pagde-detox, paginom ng maraming tubig, pagkain ng
mga pagkaing natural at pag-inom ng mga nilagang herbs (ingat-ingat lang sa
pag-inom ng herbs, wag abusuhin ang pag-inom nito).
Maaari
ring gawin upang ang toxins ay maipalabas kapag tumataas na ang asukal sa dugo
at nanghihina na ang ibang organ na nagpapalabas ng toxins tulad ng atay at
kidney dahil sa sakit na diabetes:
Kapag
tumaas na ang asukal sa dugo at unti-unti ng nalalason ang dugo magpapalabas ng
toxins sa pamamagitan ng pagbababad ng
paa sa maligamgam na may ginadgad na luya. Dito ay makakapagpalabas ng
lason kapag ang paa ay naiinitan sa sa maligamgam na may luya nakakapaglabas ng
pawis at ang luya ay nakakatulong upang ang mga ugat na namamaga at barado ay
maaalis nito ang pamamaga at pagbabara.
Ang pagsusuob o pagsteam gamit ang pinakulong
mga halamang gamot kunyari tanglad at magtatalakbong ng kumot at
unti-unting pasisingawin, ito ay makakapagpapawis ng marami na dahil ng
paglabas ng maraming toxins.
Pagpapatae gamit ang langis ng niyog, castor oil, senna tea, plum delite etc.
- Apat na kutsarang langis ng nyog o 2 kutsarang castor oil iinumin sa gabi mga 4 na oras ang pagitan sa huling kain o hapunan, makakaramdam ng paghilab ng tiyan huwag matakot at sa kinaumagahan ay ilalabas ito kung hindi kaagad nakaramdam ng pagtae uminom ng 2 basong maligamgam na tubig at 'wag munang mag-aalmusal hintayin na makatae.
- Maaring uminom ng biguerlai tea ito ay may sangkap na dahon ng senna na nakakatulong magpallinis ng bituka. Hindi ito maaaring inumin ng araw-araw. Isa o dalawang beses lang kung talagang hindi makatae sa isang linggo, 'wag iasa dito ang pagtae.
- Kung may pera ka naman at ayaw mo mahirapan sa pag-inom ng langis ay gumamit na lang ng plum delite, ito ay napakagandang pang linis ng bituka at habang naglilinis ng bituka ay marami itong nutrients at probiotics. Ito ay maaaring kainin kapag naka-isang linggo kang hindi nakakain ng mga masasamang pagkain at naiwasan ang karne, para sa masmgandang resulta ng paglillinsi ng bituka at habang kinakain ito ay tuloy lang ang ganong pagkain.
Deep Breathing o paghinga ng malalim at buga sa bibig ay paraan ng paglalabas ng toxins
- Huminga ng malalim, bilangan ng 10 at ihinto ito bilangan ng 5 at sabay ibuga sa bibig bilanga ng 10, gawin ito ng 20 ulit sa umpisa hanggang sa magtagal ay damihan kung makakaya at maaaring gawin ng 3 beses sa isang araw.
- Bukod sa ito ay nakakapagpalabas ng toxins ito ay nagbibigay ng sapat na oxygen sa ating mga selyula at nagpapalakas sa ating baga, mainam din gawin ito ng mga may hika at hirap huminga.
Kapag natapos ang paglilinis ng bituka ay palakasin naman ang atay gamit ang mga sumusunod o kaya maaaring kasabay habang naglilinis ng bituka o nagpapatae:
- Isang lemon, sa isang basong tubig na may 1 kutsarang bragg's apple cider vinegar kung walang braggs kahit anong suka na kulay brown na hindi nafilter tulad kunyari ng sukang galing sa tuba na mapapansin nyo may latak na nasa boteng babasagin ang lalagyan, wag bibili ng suka na nasa plastic dahil ang acid na nasa suaka ay makakapagpalabas ng kemikal sa plastic at inumin sa umaga na wala pang laman ang tiyan at pagkalipas pa ng 30 minutos bago mag-almusal.
- 2 pirasong butil ng bawang, dikdikin at hiwain ng pino, palipasi ang 30 minutos at ilagay sa bibig at inuman ng tubig, masmaganda ito ung walang laman ang tiyan, pero kung hindi kaya ay gawin ito pagkakain.
At kasabay na ang ang tamang pagkain, iiwas na masasamang pagkain na magdadagdag pa nag lason sa katawan tulad ng: junk food, processed food, BBQ, soda, kape, energy drinks, tinapay, dairy at syempre sa matatamis na dahilan ng pagtaas ng insulin, ng asukal sa dugo, ng parasites at isa na dito ang fungus na naglalabas ng masmaraming toxins kapag sila ay kumakain ng matamis mula sa kinakain natin, kung kakain man ng matamis ay siguraduhin na may kasabay na fiber upang alalay lang ang paglalabas ng insulin o hindi bigla ang paglabas ng insulin at may kasabay na nilagang mapait tulad ng serpentina o dahon ng ampalaya pangpalakas ng spleen na ikalalakas din ng pancreas, (maaaring uminom ng 2 baso sa isang araw, maaari ring sabayan ng nilagang kinchay pangpalakas ng kidney, at nilagang hilaw na papaya kasama ang balat pamatay ng parasites at siguraduhing sa pag-inom ng mga ito ay magpapahinga ng isang araw sa loob ng isang linggo ng pag-inom).
Huwag
matakot kumain ng prutas kung ang prutas ay may kasamang fiber, iwasan lang ang
sobrang matamis tulad ng saging dahil ito ay may mataas na asukal kumpara sa
ibang prutas.
Iwasan
muna ang pagju-juice lalo ng mga prutas dahil kailangang kailangan ang fiber na
makain kapag may diabetes.
Mag
ehersisyo at magpasikat sa araw ito ay makakatulong sa pagpapasok ng glucose sa
cells at pangpatay sa fungus o ibat-ibang mikrobyo sa dugo, pangpalakas ng
immune system etcetera.
Ang pinakapagkain ng mga taong mataas na ang acid sa dugo o toxins dahil sa mataas na asukal ay ang mga pagkaing mataas ang alkaline tulad ng mga gulay lalo yong mataas ang fiber at mga prutas:
- Lahat ng gulay lalo na ang matataas ang fiber (madahon at mga mabubuto o legumes)
- Mga prutas lalo ang mga citrus tulad ng lemon at mga prutas na pwede kainin ang balat, iwas lang sa saging dahil ito ay sobrang mataas ang asukal.
- Kung maaari walang kanin, tinapay at mga pagkaing mataas ang carbohydrates.
- Maaaring uminom ng vitamin C at B-compplex, dahil kapag tumataas ang masasamang bacteria sa bituka ay nawawalan ng B-complex, ang vitsmin C naman magpapalakas ng immune system upang ang mga masasamang bacteria o parasites ay mapatay.
- Prutas at gulay lang muna, maraming tubig at mga herbal tea (hindi mawawala sa herbal tea ang mga luya), hindi muna masyado sa pagju-juice ng mga ito dahil kailangan dito ang fiber na magbabalanse sa sugar upang ang paglalabas ng insulin ay hindi bigla.
- Kailangan ng minerals, ang hindi dumaan sa prosesong asin ng dagat ay mataas ang minerals katulad ng, celtic, himalayan salt at kung hindi makakakuha ng mga asin na katulad ng nabanggit kahit 'yong rocksalt natin, maaaring maglagay ng gakurot sa dila 3x a day at ito ang gagamiting pinakaasin sa pagkain. Pero may kamahalan lang po ang asin tulad ng himalayan salr nasa P600 ang kilo
Masmaganda habang nagpapagaling at bumalik sa normal ang paggawa ng tungkulin ng pancreas ay ang mga nabanggit lang muna ang makakain walang iba at magugulat kau pagkalipas ng ilang panahon ay magiging normal ang sugar nyo at makakapaglabas na ng tamang insulin mga 3 buwan hanggang anim na buwan subukan nyo.
Ang
pag-ehersisyo ay napakalaking maitutulong sa may diabetes dahil ito ay tutulong
upang palakasin ang lymphatic system na syang nagdadala ng mga toxins sa mga
organs na nagpapalabas nito at ito ang nagdadala ng nutrients sa bawat selyula
ng ating katawan.
Ang pagsaksak ng insulin at pag-inom ng
mga sari-saring gamot na ipinapainom sa mga may sakit na diabetes ay nakatalang
masdumami ang bilang ng mga namamatay kompara sa mga taong hindi umiinom nito;
masnapapadali ang pagkamatay.
Ang nga nabanggit sa itaas kung magagawa ay awa't tulong ng Dios ay gagaling ang may sakit na diabetes at magkakaroon ng malusog na pangangatawan. Dahil ang natural na pagpapagaling ay hindi lang isang sakit ang pinapagaling kundi buong katawan dahil pinapalakas nito ang lahat ng selyula at kasama na dito ang lahat ng organs dahil ito ay binubuo ng miyon-milyong selyula.
Kapag magaling na mag-iingat na sa bawat pagkaing
ipapasok sa bibig.
Isa sa sekreto ng pagkakaron ng magandang
kalusugan ay ang pagkakaroon ng pusong masayahin at walang poot o galit.
Alisin
ang pait o galit sa puso, maging maibigin sa kapwa lalo sa mga dukha, mabuti
ang tignan sa kapwa wag ang kapintasan nito, maging grateful sa lahat ng bagay
o nasisiyahan at laging mapagpasalamat, alisin ang pagkabalisa o pag-aalala
magtiwala sa magagawa ng Dios sa lahat ng bagay. Alamin ang totoong dahil bakit
tayo umiiral o binuhay ng Panginoon sa mundong ibabaw, sumunod sa UTOS o sa
ibig ipagawa sa atin ng Dios na may lalang sa atin.
Alagaan
po natin ang ating katawan dahil ito ay Templo o Bahay ng Dios. Kung mahal
natin ang ating Dios mahalin natin ang ating katawan, aalagaan natin na 'wag
tayo magkasakit, dahil masmasarap maglingkod sa Dios na may lalang sa atin
kapag wala tayong karamdaman.
'Wag
kakalimutan na tayo ang may malaking responsibilidad sa ating katawan, hindi
ang ibang tao!
Huwag
nating ipagkatiwala ang ating kalusugan sa kanino man, maging responsable tayo
sa ating sarili at matuto tayo kung paano mapapangalagaan ang ating kalusugan,
kaya hinihikayat ko kayong mag-aral patungkol sa mga natural na panlunas na
gawa ng Dios at pag-aralan kung paano nagre-react ang katawan natin sa bawat
kinakain natin, sa pamamagitan nito matututo tayo, dahil tayo ang totoong
nakakaalam ng nagnyayari sa buo nating katawan, hindi ang sinoman.
Mula sa totoong kwento ng isng taong
gumaling sa stage 4 cancer na hindi nya ginamot.
Merong
isang lalaki na tinaningan ng doctor ng 6 na buwan na lang syang mabubuhay
dahil sa stage 4 cancer, laking gulat ng kanyang doctor ng makita sya after 10
years na madiagnose sya na may cancer, tinanong sya anong ginawa mo bakit
naka-survive ka sa cancer, sagot ng lalaki ay araw-araw daw syang
nagpapasalamat sa Dios sa bawat umagang pagkagising nya na buhay pa sya at
inisip lang nya na magaling na sya at namuhay ng normal na parang wala syang
sakit.
Ano sa
tingin nyo bakit sya gumaling?
Ang
unang nakapagpagaling sa kanya 'yong faith nya na magaling na sya, napakalaking
nagagawa ng pananampalataya dahil mas powerful 'yon walang katumbas na gamot.
Pangalwa ay ang lagi nyang pagpapasalamat sa Dios at 'yong hindi sya na-stress
o inisip ng inisip na mamatay na sya, (dahil ang stress ay nakakapagpahina ng
immune system at digestive system).
'Yon
lang ang ginawa nya gumaling na sya, e 'di lalo naman kung madadagdag ang
extrang pag-aalaga sa sarili, masmatutulungan pa ng husto ang katawan sa
pamamagitan ng tamang pagkain, exercise, acupressure, pagpapasikat sa araw,
iwas sa polusyon, mga lasong pagkain at gamot, etcetera
At
pangunahin ang PANANAMPALATAYA, PAGPAPASALAMAT LAGI sa DIOS at ang PAG-IISIP na
PINAGALING kana kaagad sa oras na ito ay IPINANALANGIN mo na o hininge mo sa
DIOS.
Kaya
ako po ay naniniwala na kayang gumaling ng walang iinuming mga gamot na
nakakalason pa sa katawan, maliban na lang siguro kung emergency at siguro
kailangan kaagad malapatan, kunyari hindi makahinga dahil sa hika at sasaksakan
ng steroid pepwede siguro pero sa awa't tulong ng Dios may alam ako na mga
natural na lunas sa ganong emergency na maiilapat tulad ng acupressure
direktang points sa baga at puso sa bandang likod at sa loob lang ng 5 minuto
maaari makahinga ang pasyente at pagkatapos ay mapapainom ng luya o salabat at
malalagyan ng gakurot na seasalt sa dila. Kailangan lang talaga itong
mapag-aralan ng husto, syempre 'yong iba ni-nerbyos na, takot na pagka ganong
emergency.
No comments: