Halamang Gamot - Sambong



Sambong (Blumea camphor, Ngai camphor sa English, Alibum, Alimon, Ayoban, Bukodkud, Dalapot, Gabuen, Gintin-gintin, Kambibon, Lalakdan san Visayas and Sob-sob, Subusub, Subsob sa Ilocos.) may sayantipikong pangalan na Blumea balsamifera isa sa 10 halamang gamot na kinikilala ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH – Department of Health) ng Pilipinas.


Ito ay isang antiulithiasis ito ay tumutulong bilang isang diuretiko, ito ay nakakatulong na itapon ang labis na tubig at sosa (asin) sa katawan at tumutulong din matrato ang sakit sa bato, ginagamit din upang magamot ang sipon at katamtamang pagtaas ng dugo. Kilala din ito na nagtataglay ng Anti-diarrheic, Anti-gastralgic, anti-diarrhea at Anti-spasm.

Karaniwang din itong ginagamit na pampaligo sa mga bagong panganak, sa paglinis ng sugat at hiwa.

Gamit bilang lunas sa mga sumusunod:

Dahon
  • Tumutunaw ng bato sa pantog
  • Manas
  • Pagtaas ng dugo
  • Rayuma
  • Sipon 
  • Hika
  • Bronchitis 
  • UTI 
  • Gamot para sa tiyan 
  • Vermifuge 
  • Mga problema sa paghinga 
  • Sugat
  • Iti 
  • Namamagang lalamunan
  • Bulate sa tiyan
  • Pigsa
  • Anti-diarrheic
  • Anti-gastralgic


Tuyong dahon ginagamit na sigarilyo
  • Sinusitis.


Ugat
  • Lagnat


Paghahanda:

  • Inumin
  • Hugasan ang dahon at hiwain ng maliliit.
  • Sukating ang 2 baso ng tubig at isang basong hiniwang dahon.
  • Pakuluan sa mahinang apoy sa loob ng 15 minuto sa kaserola na walang takip
  • Palamigin at salaain.
  • Uminom ng 1/3 baso, tatlong beses isang araw.


Panligo

  • Ilagay ang maraming dahon sa isang kaserolang tubig at pakuluan, ihalo ito sa tubig na gagamitin sa paliligo, maaari ding gamitin ang dahon bilang panghilod.


Panlunas para sa sakit ng ulo, pigain o durugin ang dahon at ihalo sa langis ng niyog, ipahid sa noo at sentido.




Halamang Gamot - Sambong Halamang Gamot -  Sambong Reviewed by Keyzone on 2:00 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.