Ang lagundi (Shrub or five-leaved chaste tree) na may sayantipikong pangalan na Vitex Negundo ay isa sa 10 halamang gamot na kinikilala ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH – Department of Health) ng Pilipinas, ayon sa pag-aaral at pananaliksik ang Lagundi ay nagtataglay ng chrysoplenol D, na nagpapaalwan ng kalamnan at may katangian ng anti-hitamine.
Nagtataglay din ito ng isoorientin, casticin, luteolin-7-0-glucoside, bukod sa iba pang mga bagay na magpalabas ng resulta ng isang anti-histamine. Pinipigil din nito ang palabas ng leukotriene, isang mahalagang kayarian na pumipigil sa hika. Ang dahon, ugat, bulaklak at buto ng Lagundi ay kinakitaan din ng halaga sa panggagamot.
Lumilitaw na ang Lagundi ay may pakinabang din bilang analgesic, ayon sa pag-aaral inihahalintulad ito sa mga gamot na kagaya ng aspirin na nagpakita na nakatutulong sa paglapat ng lunas sa mga karamdaman katulad ng sakit na dulot ng pagbunot ng ngipin.
Gamit bilang lunas sa mga sumusunod:
Dahon
- Hika
- Ubo
- Lagnat
- Trangkaso
Bulaklak
- Pagdudumi
- Kolera
- Lagnat
- Sakit sa atay
Inirerekomenda din bilang pampalakas ng puso
Buto
- Pamamaga ng bibig
- Sakit sa balat
- Ketong
Ugat
- Hindi pagkatunaw ng pagkain
- Rayuma
- Bulate
- Apad
- Pigsa
Paghahanda:
Sabaw:
- Hugasang maigi at hiwain ng maliliit.
- Sukatin ang dalawang (2) baso ng tubig at isang (1) basong sariwang ginayat na dahon.
- Pakuluan sa mahinang apoy sa kalderong walang takip sa loob ng 15 minuto.
- Palamigin at salain
Ubo at Hika - 1/3 baso 2 beses isang araw.
Lagnat - 1/3 baso tuwing ikaw 4 na oras.
Ang paggamit sa bulaklak, buto at ugat. Pakuluan din tulad ng dahon.
Halamang Gamot - Lagundi
Reviewed by Keyzone
on
5:56 PM
Rating:
No comments: