Halamang Gamot - Pansit Pansit



Ito ay isang herbal na gamot at kilala din sa tawag na ulasiman-bato, ulasiman-ilahas, singaw-singaw, sida-sida, tagulinaw at tangon-tangon sa ibang bahagi ng Pilipinas, ito ay kilala sa English name na Peperomia, shiny bush, silver bush, clear weed, rat-ear and clear weed.

Isang uri ng ilang na halamang tumutubo sa mga basa at nalililimang lugar, it ay may hugis pusong dahon na salitan ang pag-tubo sa pabilog at makatas na sanga, ang bulaklak nito ay maliliit na pabilog na nahuhulog sa lupa at dumadami.

Ang dahon at sanga nito ay maaaring kainin, ginagamit ito ng karamihan sa paggawa ng salad at maaaring kainin ng hilaw.

Ginagamit na gamot herbal sa:
  • Rayuma
  • Gout
  • Pigsa
  • Sugat
  • Sunog na balat
  • Pamamaga ng balat
  • Tagihawat
  • Sakit ng ulo
  • Sakit ng tiyan
  • Problema sa bato
  • Pamamaga ng mata
  • Sakit ng lalamunan
  • Pagtatae
  • Problema sa pantog
  • Mataas na dugo
  • Lagnat
  • Mental excitement disorder .


Paano ihanda:

Bilang gulay
  • Ang dahon at tangkay nito ay maaaring kainin ng hilaw, kapag sariwang inani at hinugasan.

Bilang inumin
  • Hugasan ang dahon / sanga
  • Magsukat ng dalawang (2) baso ng tubig sa isang(1) baso ng dahon / tangkay
  • Pakuluan
  • Itabi, palamigin at salain.
  • Inumin ng dalawang (2) beses isang araw, isang (1) baso sa umaga at isang (1) baso sa gabi.

Para sa balat
  • Hugasan at dikdikin ang dahon / sanga at ipahid sa apektadong bahagi.

Para sa sakit ng ulo
  • Hugasan ang ilang piraso ng dahon, bugbugin/pasain ang buong dahon at ilagay sa noo.





Halamang Gamot - Pansit Pansit Halamang Gamot - Pansit Pansit Reviewed by Keyzone on 12:38 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.