Ang Lutlot
ay isang pagkaing niluluto ng Tribung Pala’wan para sa kanilang festival. Ito
ginaganap sa tuwing kataposan ng ani ng kanilang kaingin upang simbolo ng
pasasalamat sa Poong Lumikha o tinatawag nilang Ampo. Maaari ring ginaganap ang
lutlot sa ibang kasayahan, ritwal at iba pang kasahan ng kanilang tribu upang
ito’y ihain at pagsalu-salohan. Sa tuwing may mga pasasalamat at mga ritwal,
ito ay sinasabayan din ng pagluluto ng pinyaram.
Niluluto ang
lutlot sa mga sumusunod na pamamaraan:
- Ibabad sa tubig ang malagkit na bigas sa loob ng 5-7 oras (halimbawa isang baldeng malagkit)
- Manguha ng mga murang bongbong (boho) at putol putolin at tanggalin ang gilik nito or kuskusin ng bunot ng niyog. (Ang boho ay magsisilbing lalagyan ng bigas na malagkit)
- Magkudkod ng niyog na ayon sa dami ng iyong lulutoing malagkit ( 10-15 pirasong nyog para sa isang baldeng malagkit).
- Pigain ang nyog at kunin ang katas nito at ilagay sa balde o palanggana.
- Ilagay ang binabad na malagkit sa boho, mga 3-5 pulgada bago mapuno sa bunganga ng boho.
- Lagyan o sabawan ng gatang niyog ang nilagay na malagkit sa boho at 2-3 pulgada ang subra ng gata sa malagkit (ingatang ‘wag matumba ang boho nang di mabuhos ).
- Maggatong o magpaapoy sa lupa hanggang bumaga ito (parang lutoan ng paglilitson) at lagyan ng tusok o poste ang magkabilang dulo ng pinaapoyan.
- Ikalat ang baga tulad ng pagluluto ng litson.
- Lagayan ng balagbang na buhay na kahoy upang maging sandalan ng bohong nilagyan ng malagkit.
- Isandal ng nakasalansan ang mga bohong nilagyan ng malagkit (sa ilalim ay baga ng apoy).
- Banatayan ng maigi ang nililuto at ‘wag hayaang masunog ang buho.
- Kianakailangang baliktarin kung ito’y kulay brown na ang boho.
- Kung kulay brown na ang lahat ng katawan ng boho, ibig sabihin ay luto na pero maaari mo ring tikman upang siguradong di hilaw.
- Sa pag-aahin, maaaring putolin ang boho at maaari ring biyakin upang makuha ang nalutong malagkit sa loob ng boho.
Adyos
Kabagay!
Sana nasundan nyo ang paglulutong lutlot.
Lutlot
Reviewed by Keyzone
on
8:34 PM
Rating:
Thanks for this info Mr Arman Quezon
ReplyDeleteKelang peSelamat ko at nemwat it blog na it we. Ne pasal at ke Pele'wanan
ReplyDeleteManungang kumento dimo tipused Levy
ReplyDelete