Ang bayabas ay isang maliit na puno na namumunga. Ang dahon at bunga nito ay kilala sa at ginagamit na gamot sa Pilipinas, at ito ay kinikilala ng Philippine Department of Health dahil sa mabisang kakayahan nito.
Ang bayabas ay kilala bilang herbal na gamot na anti-inflammatory, antimicrobial, antioxidant, anti-allergy, antiseptic , anti-plasmodial, antidiabetic, antigenotoxic and for treatment of cough. Ang bunga nito ay kilala na nagtataglay ng bitamina C at bitamina A
Karaniwang din itong ginagamit na pampaligo sa mga bagong panganak, sa paglinis ng sugat at hiwa.
Ginagamit na gamot herbal sa:
Dahon at balat
- Sugat
- Hiwa
- Sunog
- Panlinis ng bunganga
- Ubo
- Pampaligo sa bagong panganak
- Pampabango sa tubig pangligo
- Panlinis at panglanggas sa bagong tuli
- Panghugas sa maselang bahagi ng babae
- Pamamaga ng gilagid
- Pagdurugo ng ilong
- Sakit ng ngipin
Bunga
- Mapagkukunan ng bitamina C
- Ginagamit na gulay sa pagluluto
Paano ang paghahanda
- Bilang inumin
- Hugasang maigi ang dahon
- Isang (1) basong dahon sa tatlong (3) baso ng tubig.
- Pakuluan sa loog ng 8 hanggang 10 minuto.
- Itabi, palamigin at salain.
- Magmumog upang gawing panlinis sa bibig.
Para sa sugat o hiwa, hugasan ang bahaging apektado, tatlong (3) beses isang araw.
Ginagamit na panglanggas at panlinis ng mga bagong tuli.
Bilang pampaligo
Ginagamit bilang sa unang pagligo ng bagong panganak. Ilagay ang maraming dahon sa isang kaserolang tubig at pakuluan, ihalo ito sa tubig na gagamitin sa paliligo, sukatin ng naayon sa nais na init, maaari ding gamitin ang dahon bilang panghilod.
Halamang Gamot - Bayabas
Reviewed by Keyzone
on
1:50 AM
Rating:
No comments: