Ang tuba-tuba ay isang halamang gamot na may sayantipikong pangalan na Jotropha curcas, kilala sa Pilipinas bilang isang lunas sa pasa at natapilok na bukong-bukong. Kulay pulang katas ang makukuha sa ugat nito at kulay asul naman sa kanyang balat. Ang isa sa pinaka may pag-asa o inaasahan na parte ng punong ito ay ang kaniyang bunga na maaaring gawing alternatibong pangatong (biofuel).
Ang halamang ito ay lumalaki ng mula sa isa hanggang 8 metro o mahigit pa, may malapad na dahon at may limang umbok, 5 hanggang 8 pulgada ang haba.
Ginagamit na gamot herbal sa:
- Pasa
- Natapilok (bukong-bukong)
Paano gamitin:
Bilang pantapal:
- Gugasan ang dahon
- Punasan ng malinis na damit upang matuyo
- Painitin sa mahinang apoy, lagyan ng langis, (langis ng niyog), ang iba ay gumagamit ng efficascent oil.
- Ilagay sa apektadong bahagi, balutin ng damit o bendahe.
- Palitan kung ang dahon ay tuyo o malutong na.
KAALAMAN TUNGKOL SA TUBA BILANG HALAMANG GAMOT
Scientific name: Croton tiglium Linn.;
Croton camaza Perr.; Croton glandulosum Blanco; Croton muricatum Blanco
Common name: Tuba (Tagalog); Croton oil plant, Purgative croton (Ingles)
Ang tuba ay isang maliit lamang na puno na kilalang ginagamit bilang halamang gamot. Ang dahon ay malapad, pahaba sa dulo at bahagyang patalim paligid. Ang mga bulaklak ay maliliit lamang din, habang ang bunga ay mala-kapsula na may mga buto sa loob. Karaniwang makikita ang halamang ito sa mababang lugar na malapit sa mga tirahan at bayanan sa Pilipinas.
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA TUBA?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang tuba ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang ugat ng tuba ay may taglay na tannin.
Ang buto naman ay mayroong langis (croton oil), na may taglay na croton globulin at croton albumin, arginine, at lysine. Mayroon pa itong lipase, invertase, amylase, raffinase at proteolytic enzyme. Maaari ding makuhanan ng crotone resin, tiglic acid, croton oleic acid, stearic, palmitic, myristic, lauric, oenanthrallic, capronic valerianic, butyric, isobutyric, acetic at formic acids. Mayroon din itong tannin.
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Ugat. Karaniwang nilalaga ang ugat upang mainom at makagamot sa ilagn sakit.
Buto. Ang buto ay karaniwang kinukuhanan ng langis na maaaring gamitin na pampahid sa balat.
Dahon. Ang dahon ay karaniwang pinatutuyo bago ilaga, ngunit maaari ding ilaga nang sariwa. Ang pinaglagaan ay maaaring inumin upang makagamot sa ilang kondisyon.
ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG TUBA?
- Rayuma. Karaniwang nilalaga ang pinatuyong dahon at ugat ng tuba upang maibsan ang pananakit ng kasukasuan dahil sa rayuma.
- Kagat ng ahas. Maaari ding ipampahid ang dinikdik na dahon ng tuba sa kagat ng ahas upang maiwasan ang pamamaga at iba pang komplikasyon sa sugat.
- Pilay. Makatutulong naman ang pagtatapal ng dahon na pinahiran ng langis at pinadaanan sa apoy sa pilay at iba pang pananakit sa buto.
- Bulate sa sikmura. Mahusay rin na pampurga sa mga bulete sa sikmura ang pinaglagaan ng ugat, dahon at balat ng kahoy ng tuba. Maaari ding gamitin ang langis na makukuha sa buto ng tuba.
- Pigsa. Ang pinitpit na ugat tuba ay mabisang pang alis sa pigsa sa balat. Ito’y ipinangtatapal lamang sa apektadong bahagi ng balat.
- Eczema. Ang buto rin ng tuba ay maaaring durugin at ihalo sa tubig bago ipampahid sa balat na apektado ng eczema.
Halamang Gamot - Tuba Tuba
Reviewed by Keyzone
on
12:24 AM
Rating:
No comments: