ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA SILING LABUYO?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang siling labuyo ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Taglay ng bunga ng siling labuyo ang kemikal na capsaicin na siyang nagpapaanghang sa lasa nito.
Makukuha sa halaman ang ester, terpenoids, noncarotenoids, lipoxygenase derivatives, carbonyls, alcohols, hydrocarbons, capsaicin, dihydrocapsaicin, capsiconinoid, at capsinoid.
Mayaman ang bunga sa mineral na calcium, phosphorus, at iron, gayundin sa vitamin A at B.
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Dahon. Ang dahon ng siling labuyo ay karaniwang dinidikdik at pinangtatapal sa ilang kondisyon sa balat. Madalas din itong ihalo sa tubig upang inumin.
Bunga. Ang bunga ay maaaring kainin, o kaya naman ay ihalo sa tubig at ipangmumog upang makagamot. Minsan ay dinidikdik, hinahalo sa langis, at ipinantatapal din sa ilang kondisyon sa balat.
ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG SILING LABUYO?
- Sore throat. Upang malunasan ang kondisyon ng sore throat, maaaring ipangmumog ang tubig na hinaluan ng dinikdik na bunga ng siling labuyo.
- Rayuma. Ang bunga ng sili ay maaaring dikdikin at ihalo sa langis at ipampahid sa bahagi ng katawan na dumaanas ng pananakit dahil sa rayuma at arthritis. Mas mainam kung ang pampahid na gamot ay hahaluan pa ng dinikdik na dahon ng sili.
- Kabag. Makatutulong sa kondisyon ng kabag ang pag-inom sa mainit na tubig na pinagbabaran ng hiniwang bunga ng sili. Maaari din namang ihalo ang sili sa anumang pagkain upang matulungan ang kondisyon.
- Pananakit ng ngipin. Maaaring ilagay ang katas ng sili sa butas ng ngipin na nananakit.
- Sugat. Matutulungan din ng paglalagay ng dinikdik na dahon ng sili ang mas mabilis na paghilom ng sugat.
- Buni. Maaaring ipang hugas sa balat na apektado ng buni ang pinagbabaran ng siling labuyo.
Halamang Gamot - Siling Labuyo
Reviewed by Keyzone
on
5:47 PM
Rating:
No comments: