ANO ANG DAHILAN AT NATURAL NA PANGLUNAS SA GERD (ACID REFLUX), HEARTBURN, ULCER, GASTRITIS AT IBA PANG SAKIT SA SIKMURA AT BITUKA?
Ano ba ang GERD o GastroEsophageal Reflux Disease?
Ito ay isang uri ng sakit sa sikmura at pamamaga ng esuphagus dahil sa pag-akyat ng acid (acid reflux) na nagiging dahilan ng heartburn.
Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng GERD?
Ang pangunganahing dahilan nito ay ang hindi pag-function ng maayos ng sphincter dahil sa pagkawala ng digestive enzymes o panunaw sa ating mga kinain isa na dito ang pepsin (ang pepsinogen ay kino-convert ng hydrochloric acid sa pepsin) na tumutunaw ng protina, ang protina ay tinutunaw sa ating sikmura, kapag ito ay hindi natunaw ito ay maaaring mailabas lang sa maliit at malaking bahagi ng ating bituka, maii-tae lang at hindi magagamit ng ating katawan ang protinang ating kinain, ang mahirap nito ay kung ang protinang hindi natunaw ay naimbak lamang sa ating sikmura at sa bituka at ito ay pagpi-pyestahan ng mga bad bacteria, parasites at ibat-ibang masasamang organismo na nasa ating tiyan at bituka na magiging dahilan ng pagdami ng hangin (gas) na siyang magpapamaga sa sphincter at makakaramdam ng paglaki ang tiyan, bloated o parang hindi natutunawan, dighay ng dighay at utot ng utot, na palatandaan na walang gastric juice na tumutunaw at mga digestive enzymes na mula sa atay (bile), pancreas (pancreatic enzymes) at sikmura (gastric juice).
Kapag paulit-ulit itong nangyari, dito na mag-uumpisang magkaroon ng mga sakit o ng problema sa ating digestive system, isa na dito ang pagkakaroon ng GERD kapag dumadami na ang gas sa ating sikmura at sa ating bituka dahil sa kawalan ng mga panunaw (digestive enzymes).
Ang pagdami ng hangin o gas na mula sa nabubulok o 'di natunaw na kinain natin ay siyang magtutulak o magbibigay ng pressure sa ating sikmura upang ito ay mawala sa kanyang posisyon at ito ay hindi na makapaglabas ng gastric juice na kailangan sa digestion at maaari ng mamaga ang esophageal at pyloric sphincter, kapag laging nakasara ang esophageal sphincter ay mahihirapan ng makapasok ang kinain sa sikmura o mahirapan ng lumunok, kapag ito naman ay nakabukang palagi ay aakyat na ang acid at alkaline na nasa sikmura natin at bituka o magkakaroon na ng reflux na tinatawag.
Esophageal sphincter ('yong nagsisilbing pinaka-pintuan ng esophagus at stomach) at hindi na ito makakapag-function ng maayos o makapagbukas o sara kapag ito ay namamaga. Kaya ang mga nakakaranas ng GERD ay nakakaramdam ng pag-dighay ng maasim, mapait at may gumiguhit na masakit paakyat sa kanilang dibdib, hirap huminga at maaari ng maapektuhan dito ang esophagus, baga, puso, lalamunan, ilong at iba pa.
Maaaring mamaga ang esophagus at ibang mga organs na madadaan ng acid at alkaline sa pag-akyat o bawat dighay, dahil ang lining nito ay walang pumo-protekta na katulad ng nasa lining ng sikmura at bituka. Hindi lang po kasi acid ang maaaring umakyat, 'yong alkaline na subtance na galing kunyari sa atay at pancreas, kapag walang acid o gastric juice ay alkaline ang maaaring andon sa sikmura na umaakyat din yon na halos pareho lang ng pakiramdam (masakit, hapdi, asim, pait at hirap huminga) dahil din sa pamamaga ng pyloric sphincter kaya dumadami ang nakakapasok sa sikmura na alkaline at gas na nasa bituka.
Gaano ka-importante ang digestive enzymes o panunaw ng ating kinain na inilalabas ng sikmura, atay at pancreas?
Bukod sa ito ay may kinalaman sa pagtunaw (digestion) ng ating kinain o nagco-convert sa nutrients upang magamit ng ating katawan, ang mga ito ay pumapatay ng mga parasites, viruses, bacteria at fungi.
Ang digestive enzymes ay may kinalaman sa paglaban sa ating karamdaman na dahilan ng mga masasamang organismo at malaki ang kinalaman nito upang tayo ay maging malusog at walang sakit.
Ang atay ay naglalabas ng panunaw sa pamamagitang ng bile na tumutunaw ng kinain nating fats, ang pancreas naman ay naglalabas ng pancreatic enzymes na tumutunaw sa carbohydrates, protein, fats at naglalabas din ng tubig na gagamitin sa digestion at ng bicarbonate upang ma-balanse ang acid sa maliit na bituka.
Saan pa maaaring manggaling ang enzymes na tutulong sa digestion?
Ang sariwang prutas at gulay ay mayaman sa enzymes. Kaya mas mainam kung makakain tayo madalas ng mga ito araw-araw o makakapag-juice isang oras bago tayo kumain ng ating meal upang may tutunaw sa ating kakainin kung sakaling mahina ang mga organs na naglalabas ng digestive enzymes.
Ano-ano pa ang ibang mga sakit na maaaring maidulot ng pagkawala ng digestive enzymes?
- Gastritis o pamamaga ng lining ng sikmura.
- Peptic Ulcers o sugat sa lining ng sikmura at bituka
- Malnutrition dahil hindi napapakinabangan ng katawan ang ating mga kinakain.
- Tagihawat, pagkapanot o kalbo dahil sa hindi nada-digest ang protein
Halos lahat ng sakit sa sikmura, at bituka ay malaki ang kinalaman ng kawalan ng digestive enzymes o panununaw sa ating mga kinain at sa pagdami ng parasites, bad bacteria at iba pang masasamang organismo na dahilan ng pagkakasakit at pagdami ng mga toxins sa dugo.
Paano nawawala ang digestive enzymes o nagkukulang ang supply nito sa ating sikmura at bituka?
Isang dahilan dito ay ang pag-inom o pagkain ng mga pagkaing masasama kabilang na ang sobrang pagkain o pag-inom ng caffeine tulad ng kape, chocolate, soda at mga energy drinks, ang caffeine ay nakakapaekto sa enzymes na kailangan sa digestion, kaya kung mapapansin nyo kapag nagkakape tayo o nakakain ng ibang may caffeine ay bloated ang pakiramdam natin minsan, dighay ng dighay at utot ng utot dahil nakakaapekto ito sa pagtunaw ng ating mga kinain at maaaring ma-dehydrate ang ating katawan sa caffeine.
Ang paghina ng mga organs na may kinalaman sa paglalabas ng digestive enzymes tulad ng atay, pancreas at stomach ay ang may malaking kinalaman sa pagkawala ng digestive enzymes.
Paano humihina ang atay?
Kapag ang atay ay napagod sa kasasala ng dugong marumi o loaded ng toxins, parasites, virusis, sobrang hormones at hindi naiilabas sa katawan natin ito ay madaling manghina dahil paulit-ulit nya itong sasalain, tuloy maaapektuhan ang iba nyang tungkulin tulad na lamang sa pagpapalabas ng digestive enzymes na inilalabas ng gallbladder na kung tawagin ay bile o apdo, bago ilabas ng gallbladder ang apdo ito ay uutusan ng atay ilabas at ito ay magko-contract o pipigain upang mailabas ang apdo.
Maari ring manghina ang atay kapag ang adrenal glands ay nanghihina dahil ito ang nagko-control sa tungkulin ng atay.
Kapag laging stress, isip ng isip o balisa, ito ang madaling nakakamatay sa halos lahat ng may sakit, ang sobrang pagkabalisa at pag-iisip ay nakakapanghina hindi lang ng atay kundi ng immune sytem at sobrang apektado rin ang digestive system o digestion na pinagmumulan ng halos lahat ng sakit sa tiyan at bituka.
Paano nanghihina ang pancreas?
Ang pancreas ay maaaring manghina kapag tayo ay madalas na kumakain ng mga pagkaing matatamis o pagkaing nako-convert sa glucose tulad ng tinapay, kanin at ibat-ibang carbohydrates na ikinapapagod ng pancreas at pagnapagod ay ito ang dahilan ng panghihina at hindi paglabas ng digestive enzymes at ng insulin na tutunaw sa asukal o glucose kaya maaari ng pag-umpisahan ng problema sa digestion at sa pagtunaw ng asukal o diabetes at maaaring makaramdam ng panghihina at pagkahilo dahil ang asukal o glucose ay hindi na nagagamit ng katawan upang ito ay ma-convert as energy, kaya tumataas ang asukal sa dugo at nawawalan naman ng asukal ang cells na gagamitin ng katawan natin as fuel o energy ng katawan kaya nakakaramdam ng panglalambot, panghihina, walang lakas at pagkahilo.
Maari na ring masira ang mga ugat dahil sa pagdami ng asukal na pagpi-pyestahan ng mga parasites at fungi na maaaring magbara sa ugat kaya ang mga organs ay apektado na rin dahil kapag barado ang ugat hindi na sila masu-supplyan ng dugo na andon ang pinakapagkain nila at maaaring tumaas na ang BP dahil sa pagbabara ng ugat.
Maaari ring manghina ang pancreas dahil sa panghihina ng spleen na siya ring sumasala ng dugo, kung maraming dumi o toxins na sinasala ang spleen apektado ang pancreas dahil ang spleen ang nagko-control sa pancreas upang ito ay makagawa ng kanyang tungkulin.
Ano ang dahilan ng panghihina ng sikmura o stomach?
Ang sobrang gas sa sikmura at sa bituka ang maaaring makapanghina dito dahil sa ang gas kapag sobrang dami ay nagbibigay ng pressure sa stomach upang ito ay mawala sa kanyang tamang posisyon, at kapag ito ay nawala sa kanyang posisyon dito na maa-apektuhan ang paglalabas ng gastric juice (hydrochloric acid) o digestive enzymes.
Ano ang dahilan ng pagdami ng gas o hangin sa sikmura at bituka?
Kapag walang digestive enzymes na tutunaw sa pagkaing ating kinain ito ay mabubulok lamang at ito ay pagkakaguluhan ng mga bad bacteria at habang kinakain nila ito sila ay naglalabas gas at sila ay lalong dumadami lalo na kapag tayo kumakain ng mga matatamis at mga pagkaing hindi natutunaw dahil sa kawalan ng enzymes.
Ano ang iba pang dahilan ng GERD o acid reflux, heartburn, ulcer, gastritis at ibat-iba pang sakit sa tiyan o sikmura at bituka bukod sa pagkawala ng digestive enzymes, pamamaga o hindi pag-function ng maayos ng esophagus at pyloric sphincter?
1. Pagdami ng toxins, parasites, bad bacteria at ibat-ibang masasamang organismo.
Bukod sa pagkawala ng mga digestive enzymes, ang iba pang dahilan ng pagkakaroon ng mga sakit sa sikmura at bituka ay ang pag-DAMI ng PARASITES at mga bad bacteria dito, dahil nga sa kakulangan ng digestive enzymes na papatay sa kanila at tutunaw sa kinain natin, dahil kapag hindi natunaw ang ating kinain ay mabubulok at matutuwa sila ng husto at pagpi-pyestahan nila ang pagkaing hindi natunaw at magiging paraan nila 'yon sa pagpaparami nila at dito na ang malaking problema kapag sila ay masyado ng marami sa ating bituka at sikmura, hindi na sila kayang kontrolin ng mga good bacteria at maaaring ang mga good bacteria ay matalo nila at mapatay, maaari ring ma-convert as bad bacteria at maninira o bubutas na sila ng lining ng ating bituka at sikmura bukod sa gas na inilalabas nila sila ay naglalabas ng napakaraming toxins (mycotoxins).
Kapag sobrang dami na ang gas at magkakaroon ng pressure sa ating bituka at sikmura ang mga ito ay mawawala na sa normal nilang posisyon at makakapanira ng sphincter o pinakapintuan ng mga bituka at sikmura, tulad ng esophageal sphincter, pyloric sphincter at ileocecal valve. Kapag ito ang mga napinsala sa pagdami ng mga parasites at bad bacteria, dito na mag-uumpisa ang malaking kalbaryo o umpisa na ng sari-saring paglitaw ng mga sakit sa sikmura at bituka na kabilang nga nga dito ang ulcer, gastritis, acid reflux, gerd, heartburn, hirap matunawan, bloated at paglaki ng tiyan, hirap ng paghinga at napakarami pang iba.
Manghihina na rin ang spleen, atay at kidneys dahil sa dami na ng toxins at masasamang organismo na kailangan nilang salain at palabasin sa katawan, ang mahirap kung ito ay nanatili lamang sa dugo at patuloy na sasalain, kaya ang mga organs na may kinalaman sa pagsasala ng dugo ay mapapagod at dadating ang oras na hindi na nila magagawa ang kanyang tungkulin at isa na dito ang paglalabas ng digestive enzymes.
2. Panghihina o Pamamaga ng Ileocecal Valve.
Ang ileocecal valve ay ang nagsisilbing pinaka-pituan ng small and large intestine. Ito ay nasa kanang bahagi na malapit sa may lugar ng appendix at kapag ito ay namamaga inaakala natin ang ating appendix ang sumasakit. Ang pintong ito ay automatic na nagsasara at nagbubuka, ngunit dumarating ang pagkakataong ito ay nanatiling nakabuka at nakasara kapag ito ay nanghina o namamaga dahil sa mga undigested food na dumadaan sa kanya. Ito po ay napakadelikado at mahihirapan ng husto ang ating immune system kapag ito ay hindi na automatic na nagbuka at sara.
Kapag palaging nakasara ang ibig sabihin ay hindi makakadaan ang undigested food na sana pantapon na at dadalhin sa malaking bituka, ang mangyayari mapiprimi ang undigested food sa small intestine at ito ay mabubulok kung saan ina-absorb ang nutrients. Ang mangyayari ay maaabsorb sa blood stream ang toxins na galing sa 'di lumabas na undigested food na nabulok o kaya ay dadami ang bad bacteria sa small intestine at magiging dahilan din ng pagkabutas ng wall ng intestine, pwede rin maging dahilan ng constipation.
Kapag palaging nakabuka ang mangyayari, ang undigested food na pantae na dapat na nasa malaking bituka ay maaaring bumalik sa small intestine, dahilan ng sobrang pagdami ng toxins at pagmulann na rin ng maraming gas o hangin sa small intestine at maaari ka ng magkaroonn ng iba-ibang digestive problem tulad ng: gastritis, ulcer, GERD o acid reflux, etc. dahil sa tuloy-tuloy na pagdami ng bad bacteria na pinagmumulan ng gas at toxins.
Ano ang mga palatandaan na wala kang digestive enzymes at dumadami ang mga parasites at bad bacteria sa sikmura at bituka?
Lumalaki ang tiyan at pakiramdam ay hindi natutunawan (bloated)
Utot ng utot at dighay ng dighay minsan maasim at mapait na lasa.
Pagsakit ng tiyan o paghilab dahil sa pagdami ng gas o hangin sa sikmura at bituka.
Pagsakit ng sikmura dahil sa pamamaga kapag sinisira ng parasites ang lining nito at maaaring kulang din sa tubig na inilalabas ng pancreas sa pangtunaw ng pagkain.
Mabahong hininga (bad breath) dahil pagkabulok ng kinain at kakulangan na rin sa tubig.
Hindi araw-araw na pagtae at matigas, sobrang lambot at pag-iiba ng kulay nito tulad ng dilaw, putla at medyo mapula o may bahid ng dugo o talagang maraming dugo kapag masyado na nakapanira ang parasites sa lining ng bituka kung wala naman almuranas at hindi tinitibi, parasites ang dahilan ng paglabas ng dugo.
Paglalagas o pagnipis ng buhok hanggang sa maaari ng makalbo dahil wala ng tumutunaw sa protein na kailangan sa pagkakaroon ng magandang hibla at matibay na buhok.
Pagkakaroon ng gallstones dahil sa panghihina ng atay na umpisa ng mabuo ang gallstones dahil hindi na ito nakakalabas sa bile duct dahil ang atay ay hindi na nakakagmando sa gallbladder upang ito ay ilabas at maaaring ang bile duct ay mayroong mga cyst dahil sa parasites. Kapag ganito ang nangyari hindi na makakalabas ang bile at mga toxins na dapat nitong mailabas, napakaraming sakit ang maaaring magsilitawan hanggang sa kahit ang pinakamalalang sakit na tulad ng cancer ay maaring lumitaw dahil dito.
Diabetes.
Hypertension.
Halos lahat ng problema sa balat.
Malnutrisyon.
At sari-saring mga sakit ang nagpapahiwatig na marami tayong parasites, bad bacteria dahil sa kawalan ng digestive enzymes.
Ano ang madalas na ginagawa ng mga conventional doctors sa gantong uri ng sakit, nakakatulong ba ito sa pasyente o lalo lamang nakakasama?
Ang madalas na ibini-bigay sa atin ng mga conventional doctors ay antacid o pangontra sa acid, dahil inaakala nila na ang dahilan lamang ng ganitong sakit ay ang pagdami ng acid sa sikmura. Hindi po 'yon ang totoong dahilan kung ating babaybayin ang pinaka-ugat nito, ito ay natalakay na natin sa bandang itaas.
Nakakalungkot lang dahil hindi nila masyado inu-ugat ang dahilan ng sakit na ito, pinipigilan lamang pansamantala ang sintomas at nagbibigay lamang sila ng antacid na lalong nakakapagpalala sa pasyente, lalo na sa mga nakakaranas ng GERD, kasi lalo lang mawawalan ng panunaw o digestive enzymes kapag pinainom ng antacid, kaya lalo ito makakapagpalala sa pasyente.
Maaaring sa mga unang araw ay makakaramdam ka ng ginhawa pero sa mga susunod na araw ay lalo lamang magiging malala ang kalagayan ng pasyente at hindi ka tuluyang gagaling, maaring akalain mo gumaling ka dahil nahinto ang sakit pero ito ay maaaring bumalik at masmalala pa sa dati.
Ano ang natural na panlunas sa sakit na ito o sa pagkawala ng digestive enzymes na sanhi ng mga sakit sa sikmura at bituka?
Unang gagawin natin ay maglilinis ng bituka at palalakasin natin ang ating atay, pancreas at sikmura.
Paano?
Maglinis ng bituka sa pamamagitan ng mga sumusunod: labatiba, pagpapatae o pagpupurga at pagkain ng optrimax plum delite (colon cleanser).
Uminon ng isa o dalawang basong pinaghalong luyang dilaw at luya (sa bawat linggo ng pag-inom ihinto ng isang araw) upang lumakas ang atay at mainam sa pamamaga ng esophagus na naapektuhan ng pag-akyat ng acid o acid reflux. Huwag itong iinumin ng sobra kung umiinom ng pampalabnaw ng dugo o aspirin.
Uminom ng mapapait tulad ng serpintina at nilagang dahon ng ampalaya, ito ay nakakapagpalakas ng spleen na tutulong sa pancreas upang maglabas ng digestive enzymes at insulin. Pareho lang luya ang paraan ng pag-inom.
Uminon ng 1/2 kutsaritang baking soda sa isang basong tubig, kapag sobrang hapdi ng sikmura at kapag masyado maasim ang dighay at mapait na gumuguhit hanggang lalamunan. Ang pag-inom nito 2 oras ang pagitan sa meal upang huwag mahadlangan ang digestion.
Magpasikat sa araw sa umaga at hapon, makakatulong sa pagkawala ng pamamaga at sa pag-absorb ng minerals sa cells.
Gawin ang acupressure. Pindotin ang solar plexus, adrenal glands, pancreas, liver at stomach.
Castor oil pack.
Mag-juice ng mga prutas at gulay o kaya kumain madalas.
Deep breathing technique. Ito 'yong paghinga sa ilong ng malalim na dahan-dahan at buga sa bibig ng dahan-dahan.
Inom ng braggs apple cider vinegar, yakult o kahit anong may mga probiotics na inumin at pagkain, kapag naka-dalawang linggo sa pag-inom ng luya at ampalaya.
Ito ang chart para sa acupressure at maaari nyo ipa-print o i-download para may guide kayong palagi.
Napakaganda para sa ating kalusugan kung ito ay madalas o araw-araw nating mapi-pindot 3x sa isang araw.
Ang pagpindot ay idiin sa points ang dulo ng hinlalaki, bilangan ng 6 bago i-angat at idiin ulit, gawin ng mga 20 ulit ang pagdiin at sa masakit na points ay tagalan hanggang sa umabot ng 2minuto, habang pini-pindot ang points ay gagawin ang deep breathing technique (hinga ng dahan-dahan sa ilong at buga sa bibig ng dahan-dahan, masmaganda kung ipo-pause kunyari hinga sa ilong, hinto at bilangan ng 10, buga sa bibig at hinto ulit at bilangan din ng sampu) upang lumakas ang baga.
Ano ang dapat iwasan o hindi kainin?
Iwasan ang sobrang matatamis na pagkain at mga carbohydrates na naco-convert sa glucose dahil ito ay pinakapagkain ng mga bad bacteria at parasites (bakery products, sobrang kanin, kamote iwas muna, ung ibang carbs na galing sa root crops at gulay ay ok lang kumain pero wag masyado marami) at hirap pa nga ito tunawin dahil sa nagkukulang nga ng digestive enzymes o panunaw.
Iwasan ang maanghang na mula sa sili dahil ito ay makakapagpamaga ng bituka at sikmura kung may kasalukuyan ng pamamaga.
Iwasan ang may caffeine na pagkain at inumin (soda, energy drinks, kape, chokolate at iba pa) dahil ito ay maraming toxins na nakakaapekto at nakakapatay ng enzymes at nagpaparami ng gas sa sikmura at bituka.
Iwasan lahat ng pagkaing hindi natural o processed food.
Iwasan muna ang karne dahil mahirap itong matunaw, lalo't nagkukulang sa digestive enzymes na tutunaw sa karne.
Iwasan muna ang mga nuts dahil ito ay mahirap matunaw at hindi nangunguyang mabuti.
Iwasan ang pag-inom ng tubig habang kumakain, 1 oras bago o pagkatapos kumain ang pinakamagandang pag-inom ng tubig.
Ano naman ang dapat kainin?
Kung maaari makapag-juice ng mga prutas lalo ng repolyo, pinya, carrots, bawang, sibuyas at luya dahil ito ay may kakayanang makakapagpalakas ng immune system na papatay sa mga parasites at bad bacteria.
Kain ng papaya dahil ito ay maraming enzymes na tutunaw sa pagkain at papatay sa parasites at masasamang organismo na nasa ating bituka at sikmura (maaari rin ang buto inumin at maglaga ng dahon, pero wag nyo basta-basta gagawin, magtanong po kayo sa akin kung pano ang tamang paraan at dami).
Kumain ng maraming prutas at gulay, hanggat maaari ito muna ang kainin dahil sila ang madaling ma-digest at sila ay maraming enzymes lalo kung sariwang makakain at maii-juice (iwasan ang pagkain ng mejo matigas na prutas at hilaw na gulay dahil ito ay makakapagpahirap sa namamagang bituka).
Uminom ng sapat na tubig na required sa iyong katawan (sa bawat tumitimbang ng 25kg / 4 na basong tubig ang kailangan)
Nguyaing mabuti ang pagkain dahil sa bibig natin may tumutunaw na ng carbohydrates o sugar.
Kung hindi kayang gulay at prutas lang kumain ng kanin pero konti lang at maaaring kumain din ng isda at mga gulay.