VARICOS VEINS AT ANG NATURAL NA LUNAS NITO

Ano ang varicose veins? 

Ito ay ang paglaki at pamamaga ng ugat.

Maaaring ang namamagang ugat ay makikita ng ating mga mata o bumabakat sa ating balat at pamamaga ng ugat sa loob ng ating katawan na hindi natin nakikita.


Ano ang vein?

Ito ay ang ugat na dinadaluyan ng dugo na walang oxygen o dugo na pabalik sa puso upang may mai-pump ulit ang puso na dugo na pang-supply sa katawan.

May isang ugat na tinatawag na artery, ito ay ang ugat na dinadaluyan ng may oxygen na dugo na pang-supply sa buong katawan.

Ang pagkaka-iba ng dalawa ay ang artery ay may matibay na wall o ding ding ng ugat at ang vein ay mahina kaya madali itong lumalaki at nasisisra o pumutok, kaya mapapansin nyo ung ibang varicose veins nag-iiba na ang kulay o kulay talong na dahil nga sa ito ay mahina at sumasabog ang ugat kaya lumalabas na ang dugo na dahilan sa pagku-kulay talong nito.

Ano ang mga sintomas o palatandaan na mayroon tayong varicose veins?

  • Kadalasan ay walang sintomas o mararamdaman, maliban sa nakitkita ang ugat na lumalaki.
  • Masakit o makirot lalo sa gabi.
  • Pamamanhid 
  • Pamumulikat  

Saang parte ng katawan madalas magkaroon ng pamamaga ng ugat?

Sa kanang hita, binti at paa dahil sa pamamaga ng ileocecal valve (parte ng malaking bituka na nasa bandang kanan) na nakakapipi sa malaking ugat na nasa bandang tiyan na may dala-dalang dugo pabalik sa puso.

Sa kaliwang hita, binti at paa dahil sa pagbigat ng bitukang malaki dahil sa maraming tae na hindi naiilabas o nakaimbak dito na nakakapipi sa malaking ugat na may dala-dalang dugo pabalik sa puso, maaari rin tong maging dahilan ng varicose sa kanang hita.

Ano ang dahilan ng paglaki ng ugat?

Bukod sa pagkapipi ng malaking ugat sa may tiyan na may dalang dugo pabalik sa puso dahil sa pamamaga ng ileocecal valve at bitukang loaded ng tae na hindi naiilabas, ang pagbubuntis ay isa rin sa dahilan ng varicose veins sa magkabilang hita, binti at paa dahil sa paglaki ng bata at nakaka-pipi din sa ugat na malaki sa may tiyan.

Ang iba pang dahilan ay ang pagbabara ng ugat sa ibat-ibang parte ng katawan dahil sa parasites, toxins, at ibang subtances na nakakabara dito at isa na dito ang pagtaas ng asukal sa dugo ito ay mabilis nakakabara dahil ito ay pagkain ng mga parasites, kapag ito ay pinagpyestahan ng parasites sa dugo ito ay magiging dahil ng pagbabara at ang dugo ay hindi na makakadaloy at magkakaroon na ng pressure sa ugat at dito na magsisimulang magsilakihan o magalit ang mga ugat (varicose veins) at maaari na ring tumaas ang presyon (hypertension) o bumaba (hypotension).

Sino ang maaaring magkaroon ng varicose veins?

  • Ang may diabetes
  • Ang madalas na hindi matae, dahil ang malaking bituka na nagdadala ng tae ay nakakapipi sa ugat sa tiyan kapag ito ay laging puno at 'di naiilabas.
  • Mahinang panunaw, kapag walang panunaw ay mabubulok ang mga kinain na dahilan ng pagdami ng parasites.
  • Ang may namamagang ileocecal valve, mararamdaman ito sa bandang kanang bahagi ng ibaba ng tiyan na inaakala natin ang sumasakit ay ang appendix pero ito ay ang namamagang ileocecal valve (nagsisilbing pinakapintuan ng maliit at malaking bituka)
  • Ang may malaking tiyan.

Hindi maayos na daloy ng dugo, kaya kailangan na magpamasahe o magpahilot lalo sa bandang tiyan.

Paano ito nakakapagpalaki ng ugat sa binti?

Nagkakaroon ng pressure kapag ang ugat ay barado o ang dugo ay 'di makadaloy pabalik sa puso kaya lumalaki ng ugat, sa hita, binti at paa ang madalas magkaroon ng varicose veins dahil sa ito ay madalas nahaharangan ang pagdaloy ng dugo pabalik kapag napipi ang ugat na malaki sa bandang tiyan, ang nangyayari bumabalik pababa ang dugo sa mga binti dahil sa pressure.

Ang paglaki ng ugat o pagkakaroon ng varicose veins ay kahit saang parte ng katawan na may barado maaaring lumitaw, masmadalas lang sa bandang ibaba ng ating katawan o mga hita at paa dahil madalas na nababarahang ugat o napipi ay ang sa may bandang tiyan.

Ano ang masamang maidudulot ng varicose veins?

Maaari itong maging dahilan ng pagtaas ng presyon o hypertension at ng paghina ng daloy ng dugo o hypotension.

Kapag hindi maganda ang daloy ng dugo dahil sa pagbabara ito ay makaka-apekto na sa utak at sa puso.

Una mapapansin nyo hirap na kayong makaalala, makakaranas na rin ng pagsakit ng ulo, pamamanhid, pagkahilo at maaaring makaranas ng stroke, pagbilis at pagbagal ng tibok ng puso hanggang sa darating ang panahon na ito ay mapagod ng sobra, ayaw ng mag-pump at mahihirapan ng huminga, hanggang maaaring ikamatay na.

Hindi kasi ito nabibigyang pansin ng marami sa atin pero ito ay napaka-delikado sa ating kalusugan.

Ang pagkakaroon ng magandang daloy ng dugo ay napakabuti sa ating kalusugan upang ang ating mga organs ay mapanatiling malakas, dahil nasa dugo ang buhay ng bawat selyula ng ating mga organ, kaya dapat mapanatili ang magandang daloy ng dugo. Gawin ang regular na acupressure sa palad o talampakan at pagpapahilot ng buong katawan, ito ay tutulong na mapanatiling maganda ang daloy ng dugo sa ating buong katawan.

May gamot ba o lunas ang varicose veins?

Kapag conventional doctors ang tatanungin natin sasabihin nila meron pero opera lang ang alam nila sa ngayon, wala pa silang natutuklasang gamot para sa varicose veins. 

Ano ang natural na gamot o lunas sa varicose veins?

Luya maaaring inumin at gawing salabat, makakatulong sa pagpapaliit ng ugat at pamamaga nito at ng ileocecal valve.

Luyang ginadgad, 2 inches ang haba at isang dakot ng rock salt ilagay sa maligamgam na tubig sa palanggana (wag gagamit ng plastic) at maghanda ng pinakulong tubig. Ibabad ang paa sa loob ng 15 to 30 minutos at kapag lumalamig na ang tubig dagdagan ito ng mainit na tubig kaya dapat may nakareserbang mainit na tubig. (ang paraang ito ay subok na naming mag-asawa, ang asawa ko sa loob ng apat na araw na tuloy-tuloy ng pagbababad ng paa ay nawala ang nakaumbok nyang ugat sa kaliwang binti, ganon din 'yong sa akin pero mas malaki kasi 'yong sa kanya, 'yong sa akin medyo halata lang ang ugat pero masakit na sya at hindi na ako komportable sa sakit nito lalo kapag umiinom ng kape, kaya dapat ihinto rin ang pag-inom ng kape at pagkain ng sobrang matatamis) Mas magandang gawin ito sa gabi kapag malapit ng matulong dahil ito ay makakadagdag na mahimbing ang tulog. Ang paraang ito ay nakakapagpalabas ng toxins, nakakahupa ng pamamaga at nakakapatay ng masasamang organismo na nagbabara sa ugat at kabilang na dito ang parasites, fungus at iba pa.

Magpasikat sa araw upang makatulong sa paghupa ng namamagang ileocecal valve na isa sa dahilan ng pagkaipit ng ugat o pagkapipi nito sa bandang tiyan na dahilan ng varicose veins dahil sa hindi makadaloy pabalik ang dugo sa puso kaya lumalaki ang ugat sa legs dahil sa pressure nito.

Castor oil na may ginadgad na luya at itatapal, sa mismong varicose veins, gamitan ng tela. Sapat lang na luya ang dami dahil sobra itong mainit kapag masyadong naparami ang lagay.

Damihan ang bawang, sibuyas at luya sa pagkaing kinakain.

Kumain ng maraming gulay at prutas para sa fiber upang mapanatili ang regular na pagtae.

Uminom ng probiotics (yakult o yogurt na hindi masyado matamis)

Maaring uminom ng nilagang dahon ng ampalaya, isa o dalawang baso isang araw at ihinto ito ng isang araw sa loob ng isang linggong tuloy-tuloy na pag-inom.

Mag-ehersisyo (nakatayo na titingkayad)

Gawin ang alin man sa mga nabanggit ng tuloy-tuloy hanggang sa mapansin nyo na nawala ang pamamaga ng ugat. Ang luyang iinumin o salabat ay may pahinga ng isang araw sa bawat linngo ng pag-inom. Kung magagawa ang lahat ng nasabi mas-mabilis na gagaling ang varicose veins.

Hillutin ang tiyan sa umaga pagkagising, gawin ang acurpressure sa palad at paa.

Ano ang mga dapat iwasan kapag nagpapagaling ng varicose veins?

  • Iwasang ito ay mahilot o madiinan.
  • Iwasan ang pagkain ng masyadong matatamis at maanghang na galing sa sili.
  • Iwasan ang mga may caffeine na pagkain tulad ng kape, energy drinks at soft drinks.
  • Iwasan ang pagkain ng sobra ng mga bakery products.
  • Iwasan ang sobrang carbohydrates.
  • Iwasan ang masasamang pagkain tulad ng hotdog, longganisa, ham, instant na pagkain etc. etc.


VARICOS VEINS AT ANG NATURAL NA LUNAS NITO VARICOS VEINS AT ANG NATURAL NA LUNAS NITO Reviewed by Tess on 12:47 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.